Lalaki, Nag-Viral sa Social Media Dahil Sa Sobrang Pagkaadik Nito kay Hello Kitty



Ibinahagi niya na kapag daw kasi nagsama sama ang mga motor ay parang pangkaraniwan lang ang kaniya kaya naisip niya na gusto niya lagyan ito ng palamuti. Ayon din kay Mark, nagtanong din siya sa LTO kung ayos lang ban a lagyan ng ganitong disenyo ang kaniyang motor at pinayagan naman daw siya ng mga ito basta hindi lang aalisin ang rehistro nito. 

Simula noong nalagyan niya ito ng disenyo lumago ang kanyang pagmamahal kay Hello Kitty. Sinimulan niya ang dekorasyon ng kanyang inuupahang kwarto ng mga disenyo na Hello Kitty at marami pang mga gamit din na kulay pink. May mga iba siyang gamit katulad na lamang ng tasa, laruan at mga stickers na idinikit din sa pader. Ayon sa kaniya kinulayan narin niya ang kaniyang kwarto ng pink at kapag siya ay may pera ay bumibili siya ng iba pang gamit na Hello Kitty.


Marami sa kanyang mga kaibigan ang nasisiyahan sa kaniyang kinagigiliwan kaya naman may mga ilang gamit siyang hinihingi din di umano ng kaniyang mga kabarkada. Ngunit sa kabila nito ay mayroon ding mga nangungutya sa kaniya dahil nauugnay nila ang pagkahilig ni Mark sa Hello Kitty sa isang babae. Nilinaw naman nito na siya ay isang tuwid na tao at natutuwa lamang siya sa kulay pink at kay Hello Kitty. Dagdag pa ni Mark, hindi nasusukat sa paboritong kulay at kinahihiligan ang kasarian ng isang tao kaya sana ay huwag agad manghusga ng kapwa tao. 


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira