Mag Nobyo na Nagkakilala sa Larong Mobile Legends, Ngayon ay Engaged na at Malapit ng Ikasal




Marami ang nag sasabi na ang pag lalaro ng Mobile Legends ay nakaka sira ng relasyon sa kadahilanang nawawalan na ng oras ang lalaki o ang babae para sa kanyang nobya/nobyo. Ngunit iba ang istorya ng dalawang mag ka relasyon na ito! Nag kakilala sila sa pag lalaro ng Mobile Legends, nag kaibigan, at ngayon ay engaged na upang ikasal!

Naging sikat ang kasabihang: "ML o Ako?” Ito ang linya na binibitawan ng mga galit na girlfriend na nag tatanong kung sino ang pipiliin nito, ang gamitin ang oras sa pag lalaro ba ng mobile legends o kaya naman ay quality time nilang dalawa. Madaming mga netizens ang nag sasabi na hindi talaga kaya pag sabayin ang pag lalaro ng Mobile Legends sa relasyon! Bukod pa diyan, dahil sa oras na ginugugol sa larong ito, ang mga manlalaro ay hindi makapag pokus sa ibang bagay, lalo na sa relasyon. Ito ang mga negatibong konotasyon sa mga taong nag lalaro ng mobile legends. Sabi pa ng mga kritiko, hindi kaya humawak ng relasyon ang mga taong nag lalaro ng mobile legends dahil mas naka pokus at mas in-love sila sa laro.





Ngunit para sa mag karelasyong Lou Dela Serna at Renz Reyes, pinatunayan nilang mali ang lahat. Nag kakilala sila sa Mobile Legends, nahulog ang kanilang damdamin sa isa't isa habang nag lalaro, at ngayon ay engaged na at malapit na silang ikasal! Salamat sa larong Mobile Legends at nahanap nila ang isa't isa. Silang dalawa ay masugid na manlalaro ng mobile legends at naging tulong ito na gumana ang kanilang relasyon dahil alam nila kung paano hawakan ang kanilang mga oras at sinugal nila ang kanilang mga puso para patunayan ito sa lahat.

Sabi ni Lou Dela Serna, hindi madaling paganahin ang kanilang relasyon ngunit ito ay "worth the risk". Sabi pa niya na si Renz ang matagal na niyang hinihiling sa Panginoon.  Pareho din ang naramdaman ni Renz, madaming tao ang nag sasabi sa kanya na itigil na ang pag lalaro ng Mobile Legends dahil wala naman siyang mapapala dito, ngunit hindi alam ng tao ay nakakuha siya ng higit pa sa kanyang hinihiling. Hindi man perpekto ang kanilang relasyon, ngunit, salamat sa kanilang pag-mamahalan at mga sakripisyo na kanilang ginawa, pinatunayan nila sa iba na kayang pag haluiin ang paglalaro ng Mobile Legends at pag ibig.

Comments

Popular posts from this blog

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Dating Beauty Queen na si Dayanara Torres, Lumalaban Ngayon Sa Isang Malubhang Karamdaman

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Ito Pala ang Dahilan Kung Ano ang Nangyari sa Mata ng Aktor na si Randy Santiago

Lalaki, Tinupad Ang Dream House Ng Kanyang Ama Na Matagal Ng Pinapangarap