Maglalako ng Plasticware, Nag-Viral Matapos Ipakita ang Sobrang Kasiyahan sa Unang Pagtikim Nito ng Milktea




Hindi maikakaila na popular ang pag inom ng milk tea sa Pilipinas. Maraming mga Pilipino ang sobrang adik na adik sap ag inom nitong malamig at matamis na madalas ay pinapares pa sa tapioca pearls na inumin. Pero hindi lahat ng tao ay mapalad upang makatikim ng mga ganitong klase ng inumin o masubukan ang milk tea experience dahil na din sa presyo nito sa publiko kung saan ay maaring tumakbo ito ng 80 Pesos to 120 Pesos kada baso ng milk tea.

Si Esteban Cerujano ay isang 68-year-old na nagbebenta ng mga plastic ware sa daan na gamit ang kariton na kung saan ay isa siya sa mga hindi pa nakakatikim ng milk tea sa buong buhay niya. Ayon kay Esteban ang pag inom ng milk tea ay ginagawa lamang daw ng mga mayayaman dahil sa presyo nito mas pipiliin mo pang itabi nalang ito pangbili ng pagkain sa pang araw-araw.





Noong Lunes, naging usap-usapan si Cerujano sa facebook matapos mag-viral ito ng makuhanan ng larawan kung paano ito natuwa sa kaniyang unang milk tea experience. Nilibre siya ng mga hindi niya kilalang tao. Ayon sa mga kwento si Cerujano ay tumigil lamang sa harap ng isang maliit na milk tea shop sa DasmariƱas City, Cavite upang magpahinga. Ang mga may-ari ng tindahan na sina Win Villafuerte and Julio Mallari ay dali daling napansin na ang matanda ay tila parang natatakam at hindi alam ang lasa ng milk tea. 

Binigyan naman nina Villafuerte at Mallari' si Cerujano ng isang libreng inumin upang masubukan nito ang milk tea at pinilit naman ni Cerujano na palitan ito ng isa sa kaniyang mga tinda. Maraming mga netizens ang natuwa sa ginawa ng dalawang may-ari ng milk tea shop. Ayon kina Villafuerte at Mallari kung sino pa yung mga walang wala sa buhay ay siya pa daw ang mga marunong magbigay. 
Hinikayat nila na ang mga tao ay bumili ng kagamitan kay Cerujano kung Makita man nila ito sa kalsada. Nais nilang sana ay masuportahan ng ibang tao ang mga masisipag na tao kagay ni Cerujano na higit pa dapat sap ag inom ng milk tea ang kanilang masubukan. Dagdag pa nila, bumalik kinabukasan si Cerujano upang bigyan sila nito ng regalo. Nagpasalamat daw kasi si Cerujano dahil maraming mga tao ang bumili sa kaniya matapos itong mag-viral sa social media. 

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Silipin ang Napakalaking Bahay ni Pokwang sa Antipolo