Maid Of Honor Nagsuot Ng Agaw Eksenang Dinosaur Costume Sa Araw Ng Kasal Ng Kanyang Ate


Alam naman natin na ang mga weddings o kasalan ay isang napakaimportanteng event hindi lamang sa buhay ng ikakasal kundi pati na rin sa buong pamilya. Ang araw na ito ay talagang pinaghahandaan at pinagkakagastusan.

Sino nga ba naman ang ayaw maging mukhang presentable sa araw ng kanyang kasal o di kaya ay sa kasal ng kanyang kapamilya? Pero ang isang maid of honor na ito, imbes na magsuot ng gown para sa kasal ng kanyang ate ay binulaga ang kasalan sa pamamagitan ng pagsuot ng isang costume.

Ang babae na si Christina Meador ang ginawang maid of honor ng kanyang ate na si Deanna Adams sa kanilang kasal. Kadalasan, ang bride ang pipili kung anong isusuot ng kanyang mga abay, ngunit sa pagkakataong ito, hinayaan ni Deanna ang kanyang kapatid na suotin ang nais niyang suotin sa araw ng kasal ng kanyang ate. 

Ayon kay Christina, hindi raw siya mahilig magsuot ng mga pormal na mga bistida at wala rin siyang budget na pambili sa mga ito. Kaya naman pinayagan siya na pumili na lamang ng outfit na gusto niyang suotin.

At ayon sa kanya, 

"If I'm spending more than $50, I want it to be a dinosaur costume, because they're fantastic and I've always wanted one."

At dahil sa kagustuhan niyang ito, hindi man akma ang suot niya sa kasalan ay naging agaw atensyon naman siya.

At noong papalabas ito sa bahay upang lumakad papuntang altar ay ginulat niya ang mga bisita na suot-suot ang isang inflatable na T-rex costume. At talaga namang nakakatuwa dahil hindi karaniwang makakita ng isang taong nakasuot ng dinosaur costume habang may ikinakasal at may hawak pang bouquet ng bulaklak. 

Saad ni Christina, ay wala naman siyang pagsisisi sa kanyang isinuot na costume. 

"When you're maid of honor and told you can wear anything you choose... I regret nothing."

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit