Matandang Lalaki, Lumangoy Mula Cebu hanggang Bohol Dahil Wala Itong Pera na Pamasahe




Isa ang kahirapan sa mga rason kung bakit may nagagawang mali ang mga tao. Ang isang example na lamang dito ay si Mang Angco - isang lalaking lumangoy mula Cebu hangang Bohol para bisitahin ang kanyang kamag anak na sumakabilang buhay na. Dahil walang sapat na pera pang bili ng ticket, Si Ceferini Angco ay natagpuan ng mga coast guard na palutang lutang sa sa tabi ng Talisay Port sa Cebu. Ang kawawang lalaking ito ay pinalilibutan ng styrofoam para siya ay lumutang. Nangyari ito noong Nobyembre ng taong 2018.

Dali dali namang sinaklolo ng mga tauhan ng Talisay Port si Mang Angco upang maiahon sa dagat. Binagyan pa nila ito ng tuyong damit upang kanyang gamitin. Noong nakapag palit na ito ng damit, dinala siya sa opisina ng Port at kwinestyon kung bakit niya iyon nagawa. Sinagot naman niya ang mga ito at sinabing ginawa niya iyon upang bisitahin ang kanyang kamag anak sa Bohol na sumakabilang buhay na. At dahil wala siyang pera pang bili ng ticket, naisipan niyang languyin ang Cebu papuntang Bohol para maka dalo sa huling silip.





Napag alaman ng mga otoridad na si Mang Angco pala ay lumalangoy sa dagat ng siyam na oras na. Nag simula siyang lumangoy noong 11:30 ng gabi para hindi siya makita ng mga otoridad sa araw. Ang balitang ito na tungkol kay Mang Angco ay nakarating kay Jojo Bacaitos, isang public official mula sa Talisay, Cebu City. Kaya ng nalaman niya ito, ay nag padala siya ng tulong kay Mang Angco para bilhan siya ng ticket papuntang Bohol kasama pa ang mga pagkain. 

Lubos naman na nag papasalamat si Mang Angco sa mga tumulong sa kanya ng buong puso. Dahil sa tibay ng puso at determinasyon ni Mang Angco, ay nakayanan niya ang hamon ng buhay at tinayak niyang hindi siya mapipigilan ng mga anumang pagsubok, anuman ang kalagayan niya din, ay gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!