Naantig Ang Puso Ng Mga Netizens Sa Isang Masipag Na Bata Na Naghahanap Buhay Kahit Na Masama Ang Panahon



Mayroong mga kabataan ngayon na maagang natutong maghanap buhay dahil kinakailangan nilang tumulong sa kanilang mga magulang. Sa totoo lang ay nakakainspire ang mga ganitong kabataan dahil sa murang edad pa lang nila imbes na nakikipaglaro sila sa kapwa nilang bata ay naghahanap sila ng paraan upang kumita ng pera para may pang kain sa araw-araw. 

Ibinahagi ng Facebook user na si Prince Meg sa isang group na Batang Gapo ang larawan ng isang bata na may bitbit na dalawang basket na puno ng kanyang mga panindang gulay. Kahit na masama ang panahon ay tuloy pa ring naghahanap buhay ang masipag na bata.

Nang maibahagi ito sa social media ay agad itong nag-viral at maraming netizens ang naantig ang puso. 

Saad ni Prince sa kanyang post, 

"Sipag naman ng bata to, kahit umuulan naglalako pa din ng paninda niyang gulay kung pwede ko lang bilhin lahat ng paninda niya para makauwi na siya agad kaso 50[pesos] lang laman ng wallet ko at napakabait pa. Sinadya kung di kunin yung sukli at umalis agad. Hinabol niya ako at sinabe kuya yung sukli niyo po. Kahit maliit na halaga lang yun pero marunong siyang magbalik ng sobra sa binayad ko. Sana pagpalain ka ng Maykapal at matupad mo mga pangarap mo."

Hinangaan ng netizen ang bata dahil sa bukod sa pagiging masipag ay matapat rin ito. 

Samantala, marami ring netizens ang humanga sa batang lalaki. At marami ang nagtatanong kung saan siya banda nagtitinda upang sila rin ay makabili ng mga gulay at makatulong sa bata. At napag-alaman sa ibang mga komento ng ibang netizens na taga-Calapandayan daw ito.

 Narito ang ilang komento ng mga netizens.

"Eto ang dapat tularan ng mga kabataan marunong sa buhay. Good job boy pagpatuloy mo lang yang kasipagan mo, malayo pa mararating mo at dahil jan aasenso ka."

"Masipag talaga yang batang yan. Taga dito yan samin sa calapandayan. 3 yan silang magkakapatid puro nagtitinda ng gulay. Tas gigising pa yan ng 1am para mangobra ng gulay na ibebenta sila sa lumang palengke. Kahit umulan at bumabagyo nagtitinda pa rin sila."

"Wow sipag naman, when I see you I will buy all your veggies and treat you."

Comments

Popular posts from this blog

Sana All! Basag na Cellphone ng Isang Babae, Pinalitan Kaagad ng iPhone 11 ng Kaniyang Bestfriend!

Netizen, Laking Pasasalamat Sa Kanilang Employer Na Kahit Maliit Na Kumpanya Ay Nagpamalas Ng Malasakit Sa Kanila

Kumpanya Nagbigay Ng Grocery Supplies At 1 Buwang Financial Assistance Sa Kanilang Mga Empleyado

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Damong Makahiya Ibinebenta Sa Ibang Bansa Sa Halagang Php400