Nagsusumikap ang Lolo na Magbenta ng Lugaw Para may Makain Subalit Madalas Wala raw Bumibili Sakaniya




Kung nababasa mo ang artikulong ito, malamang isa ka sa mga maswerteng tao na may tirahan, sapat na makakain sa bawat araw at kaibigan o pamilya na nariyan sa iyong tabi ano man ang mangyari. Napakswerte natin dahil kahit papaano ay nakakakain pa rin tayo tatlong beses sa isang araw kahit na marami tayong mga bayarin sa buhay. 

Paano nalang kung ganito ang mangyayari sa inyo tulad na lamang ng ikinwento ng isang netizen sa Social Media tungkol sa isang matandang lalaki na wala ng kasama sa buhay at kumakayod na lamang mag-isa. 




Ibinahagi ng isang concern netizen na nagnangalang Max Udomsak sa Bangkok ang isang matandang lolo na may edad na 78 taong gulang na kumakayod araw-araw sa pagtinda ng pork porridge o lugaw kung saan 34 pesos lamang ang kaniyang kinikita bawat araw. 


Mag-isa na lamang ni Lolo sa kaniyang buhay dahil puman(a)w na ang kaniyang asawa at dalawang anak na dalawang taon nang nakakalipas. Kaya naman si Lolo na lamang ang kumakayod mag-isa para sa kaniyang sarili upang pandagdag sa kaniyang makakain sa araw-araw. 



Nagbebenta siya ng lugaw na 34 pesos hanggang 40 pesos kung may kasamang itlog subalit walang masyadong bumibili sakaniya. Minsan pa raw ay umaabot ng tatlo hanggang apat na oras na wala itong customer at may mga araw na ni isa ay wala man bumili sakaniya. 


Dahil wala siyang benta, hindi na kaya ni Lolo na bumili o umupa pa ng kaniyang matitirhan kaya naman nakatira na lamang ito sa isang luma at abandonang bahay na nasunog noon. Naglalagay na lamang ito ng mga trapal at tarpaulin tuwing umuulan upang hindi siya mabasa kapag matutulog. 


Naliligo ito sa isang paliguan katabi ng abandonang bahay subalit madalas daw siyang mahuli ng tagabantay kaya naman binabawalan ito na makiligo. 


Nagsisimulang magtinda si Lolo ng alas tres ng madaling araw hanggang hating gabi. 


Nang mapansin ito ng isang concern netize, ibinahagi nito ang istorya ni Lolo at hinikayat ang iba na puntahan ito at bumili sa kaniyang lugaw. Hindi lamang mura ang kaniyang tinda kung hindi masarap pa raw ito. 


Maraming mga netizens ang sumuporta sa post ni Max at ang iba naman ay sinubukan na magpadala ng kaunting tulong para kay Lolo upang maibigay ito ni Max. 

Comments

  1. God bless pu tay..
    Sana pu mging mas malakas pa pu kau at tumagal ang buhay para pu malagpasan ang mga pagsubuk na dumarating sainyu at maka survive pu kau..
    anjan lng pu c God., cguradu pung ndie nya pu kau papabayaan..
    think positive lng pu tay..

    (������������God., alam ku pung nakikinig kau samin..
    sana pu gabayan at tulungan nyu pu c tatay na maka ahun., bigyan ng biyaya..
    bahay na mtutulugan at sapat na pag kain..
    o kaya pu sana may mabait pu kaung tao na ipidala para sakanya..
    para pu ampunin at alagaan sya.. salamat pu sa pakikinig.. Amen.. ������)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!