Nagulat ang Netizen nang Nalaman Niya na Posibleng Kumita ang Lumpia Vendor na Ito ng Mahigit 20k Kada Linggo!




Karamihan sa atin ay halos araw araw na kumakayod sa trabaho sa opisina subalit halos kakarampot lamang ang kanilang sweldo. Ganito kung gaano kahirap ang buhay ng isang Pilipino sa ating bansa. Kahit magdamag ka mag-trabaho ay hindi ka mabibigyan ng sapat na sweldo sa isang araw. 

Kaya naman marami na ang nag-iisip kung paano sila makakakuha ng extra income sa ibang paraan tulad ng paraan sa pag business o pagtinda ng kung ano-ano lalo na pag nalaman nila kung magkano ang kinikita ng ilang mga vendor o businessman. 



Tulad nalang ng isang kwento ng netizen na ito na gusto nang mag-shift ng career nang malaman niya ang kinikita ng isang lumpia vendor na kaniyang na-interview.

Ayon kay Jomer AraƱasa, ang nagbahagi ng kwento sa Social Media, nadiskubrehan niya sa isang lumpia vendor na kumikitang kabuhayan pala ito sa kaniyang paninda na lumpiang shanghai. 

Madalas daw ma-sold out ang paninda ni Kuya na kung saan 600 pieces na lumpia ang kaniyang ibinebenta araw-araw. 





Ayon kay Jomer, ibinebenta ni Manong ang kaniyang lumpia sa halagang 20 pesos kada tatlong piraso. Kung ito kokompyutin, aabot ang kita ni Manong ng 4,000 pesos kada araw sa 600 pieces na lumpia sa loob ng 8 hours.

Talaga naman nakakalula ang na kumikita si Manong ng ganito kalaki kada araw. Kung sa buong linggo ay magbebenta ito ng lumpia at mauubos ito kada araw, ang kikitain niya ay mahigit 28,000 pesos, kung saan sa loob naman ng isang buwan ay posibleng kikita siya ng 120,000 pesos. 


Ito ang naitala na kitaan ni Manong subalit ayon sa ilang netizens ay hindi pa raw nakadeduct dito ang kaniyang mga nagastos sa pagtinda ng lumpia. Subalit kung iisipin ay magkano lang naman ang ingredients ng paggawa ng lumpiang shanghai. Tiyak na malaki pa rin ang maiuuwi nitong kita.

Kaya naman pabiro naman na sinabi ni Jomer na magtitinda na lamang siya ng lumpia dahil mas malaki pa kikitain niya sa ganitong paraan. 


Mahirap man ang trabaho ni kuya sa pag gawa ng lumpia, kumikitang kabuhayan naman ito na sapat na lamang sa kaniya at ang kaniyang kita ay katumbas ng mga empleyado na nasa opisina. 


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda