NAIA Janitor Hinangaan Matapos Magbalik ng Bag na may Laman na Php425K!




Marami ang mga balita na umiikot tungkol sa mga empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kung saan ay may mga empleyado na kumukuha ng pera at pang personal na gamit ng mga pasahero. Noong kamakailan lamang, may isang janitor ang nag viral pagkatpos niyang mag sauli ng isang bag na may laman na salapi na galing ibang bansa at kung ipapalit mo ito sa piso ay ito ay nasa apat na daan at dalawang pu’t limang libong piso.

Si Sixto O. Brillantes Jr. ay naatasang mag duty sa male comfort room sa NAIA terminal na malapit sa Immigration Area noong may isang pasahero ang tumawag sa kanya upang ibalik ang isang black na sling bag na nakalimutan ng isang pasahero sa loob ng kubeta. Alam ni Brillantes kung ano ang kanyang gagawin sa sling bag. Unang una, hindi ito sa kanya para kanyang itago. Kaya naman tinawag niya ang isa pang janitor sa pang babae na CR para samahan siya ibalik ang sling bag sa PA System ng airport para mai-announce na may nawawalang bag na naiwan sa CR ng pang lalaki. 





Umaasa ang mga ito na marinig ang announcement kung sino man ang naka iwang ng black na sling bag sa CR. Pagkatapos, pumunta si Brillantes kasama ang isa pang janitor sa Lost and Found section ng Intelligence and Investigation Division ng Manila International Airport Authority (MIAA) para i-turn over ang kanyang napulot na sling bag. Ginamit na witness si Brillantes ng mga security guard. At noong binuksan nila ang bag, nakita nila na nag lalaman ito ng isang wallet, ipad, at dalawang puting envelope na may lamang, pitong libo’t tatlong daan na euro. 

Ayon sa General Manager na si Ed Monreal, kahanga hanga ang ginawa ni Brillantes dahil madali sana nitong tinago nalang ang bag ngunit mas pinili niya itong isurrender. Hinahangaan siya dahil sa kaniyang integridad. Nabalik naman sa isang Turkish National ang black na sling bag at napatunayan niyang siya ang may ari nito dahil sa mga ID na nakalagay sa kanyang wallet.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!