Netizen Akala Ay May Natutulog Na Bata Sa Supermarket, Ngunit Isa Lang Pala Itong Poster


Hindi na iba na minsan ay mayroong ibang magulang na may kasamang nakatulog na anak kasama habang nag-gogrocery. Mayroon pa nga minsan na sa mismong shopping cart na sila nakatulog dahil siguro sa sobrang pagod at antok.  

Sa isang Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Miguel Flores ay nagulat siya ng makita niya na tila may isang bata na natutulog sa may istante ng mga tinitindang diapers sa supermarket. 

Ayon sa kanyang caption, "Akala ko totoong bata na yung natutulog hahaha!"

Kung makikita sa unang tingin ang larawan ay para ngang may isang batang natutulog sa may rack ng mga paninda. Ngunit bigla na lamang natawa si Flores sa kanyang sarili dahil na- wow mali siya dahil isa lang pala itong poster.

Ang larawan kasi na animo'y divider sa istante ay may kalakihan na parang size talaga ng isang bata kaya naman sa unang pagkakatingin ay akala ni Flores na ito ay totoo. 

Kinaaliwan naman agad sa social media ang kanyang post at umabot sa 51,000 shares at 16,000 likes. 

Maging ang mga netizens ay na-amaze at muntik na ring mapaniwala na mayroon ngang isang bata na naiwan sa supermarket at natutulog. Ngunit kung titignan lang talaga ng mabuti ang picture na ipinost ni Flores ay parang nag-create lamang ito ng isang optical illusion dahil sa anggulo ng pagkakakuha at siguro na rin sa pagkakalagay ng poster. 

Tiyak na ang mga customers na napapadaan sa aisle na ito ng supermarket ay napapalingon muli dahil larawang ito.

Marami na ang mga larawan na tulad nito na lumilikha ng isang image na animo'y makatotohanan o kung tawagin nga ay optical illusion. 

Kaya naman noong nakita ito ng mga netizens ay nagbigay rin sila ng kanilang mga komento tungkol dito. Narito ang ilan.

"Kala ko din tunay. hahaha"

"Ang galing ng pagkakalagay."

"Nakakalokong marketing, mapapalingon ka talaga."

"Akala ko may naiwang bata."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Anak Ng Isang Magsasaka Maswerteng Napakag-aral Sa Harvard University Ng Libre