Netizen Binebenta Ang Isang Antigong Piano Sa Murang Halaga, Ngunit Maraming Nagulantang Sa Issue Nito



Sa pagkakaalam natin, ang mga luma, antigong bagay o "antique" ay habang tumatagal ay kahit na paluma na ng paluma ay mas lalong tumataas ang halaga. Ang pagkolekta ng mga antique ay isang napakamahal na hobby at hindi lahat ng tao ay kayang ma-afford. 

Sa mga antique collectors, ito ay isang fulfillment para sa kanila dahil sa tuwing bibili sila ng mga vintage o antigong bagay ay tila hawak nila ang history nito. Ang mga mamahaling antiques ay tulad ng mga paintings, vases, kotse, furnitures at iba pa.

Isang post ng netizen na si Arron Hizon Perez ang nag-viral dahil sa umano na pagbebenta ng isang lumang piano sa murang halaga. 

Sa katunayan, ang mga piano ay nagkakahalaga ng libo-libong piso lalo na't noong unang panahon, na kapag ang isang bahay ay nagmamay-ari ng isang piano ay mataas ang social status nito na ang ibig sabihin ay may-kaya sila sa buhay. 

Ayon sa post ng netizen, ibinebenta lamang niya ang piano sa halagang P1,999. Ngunit sa bandang huli ay mapapaisip ka sa issue kung bakit niya ito pinagbibili ng ganito kamura. Narito ang kanyang caption sa post.

"FOR SALE: Guys baka gusto niyo ng Antique Piano. Gumagana pa 1,999 nalang.

Issue: Tumutugtog mag-isa."

Tila mapapakamot at magdadalawang isip ang sinumang nagbabalak bumili ng nasabing instrumento dahil sa nakakakilabot nitong issue. Sa mga makalumang piano na ito ay kinakailangang mayroong tao na magpapatugtog nitong instrumentong ito pero batay sa post ng netizen ay tumutunog raw itong mag-isa. Na kung iisipin ay baka minumulto ito lalo na pa't lumang luma na ito. 

Nagbigay ng iba't ibang komento ang mga netizens tungkol dito, ang ilan ay pinagkatuwaan ito at ilan naman ay tumanggi dahil natakot sila. Narito ang kanilang mga komento.

"Hindi marunong mag piano? No problem. Sit and relax. The piano will play for you. hehe."

"Wag na! Nakakatak0t naman yan!"

"No thank you. Di kaya ng puso ko. Hahaha."

"Wahahaha. Kahit libre yan di ko kukunin."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay