Netizen Nagbigay Ng Mensahe Sa Nakasabay Niyang Magkasintahan Na Nag-aaway Sa Nasakyan Niyang Bus


Kasama na sa pang araw-araw na buhay ng mga commuters ang makasabay ang iba't ibang klase ng tao. Minsan sa sobrang pagod mo ay nais mong makapag-pahinga muna sana sa biyahe bago ka marating sa iyong destinasyon. 

Ngunit paano ka naman makakapagpahinga at magkakaroon ng payapang biyahe kung ang katabi mong mga pasahero ay nagbabangayan? Hindi lang ito nakakahiya kundi nakakaabala rin sa ibang pasahero. 

Inilabas ng netizen na si Erwin T. Ciar sa kanyang Facebook post ang kanyang saloobin tungkol sa magkasintahang pasahero na nakasabay niya sa bus habang siya ay pa biyaheng Maynila. 

Ayon sa kanya ay nainis siya dalawa dahil imbes na sana ay makakatulong siya sa biyahe ay naabala siya sa pag-aaway ng dalawa. 

Narito ang kanyang post:

"Kakainis yung 2 magjowang nakasabay ko sa bus
Nag aaway at nag gigigilan tapos titingin sa akin lalo na yung lalake. Aba anong palagay niyo sakin tsismoso? Unang una wala akong pakialam sa pinag aawayan nyo.

Anong pakialam ko senyong dalawa
Anong pakialako kung nag aaway kayo dahil ke Maricel na ka chat mo at nahuli ka ng jowa mo na nag I miss you at nag I love you ka pa kung wala talaga kayong relasyon ni Maricel na kaibigan mo lang kamo at ang me gusto eh yung kumpare mong si Dennis na sabi mo eh hindi ikaw pero panay naman ang [heart] mo sa mga post nyia kahit walang kwenta.

Anong pakialam ko kung magkikita kayong 3 sa Calamba at ng makausap niyo si Maricel na tinatawagan ni ate girl at nag papaka kalma kahit na galit na galit na at naiiyak na sayong lalake ka. Wala rin akong paki kahit kaninang madaling araw pa kayo nag aaway."


Ayon sa netizen ay buti na lang at bumaba na ang dalawa sa Turbina, Calamba para mag jeep at sa wakas ay makakatulog na siya sa biyahe.

"Makakatulong na rin ako sa byahe kakainis na nanahimik ako dito eh kung makatingin kayo. Hoy wala akong paki senyong 2. Kahit halos hilahin ka na ang jowa mo pag baba niyo ng bus."

Sa bandang huli ay nagbiro ang netizen at sinabi:

"Isa pang kinainis ko pag baba niila di ko na alam ano na nagyari ke Maricel at Dennis. Iniwanan niyo ako ng isipin."

Sa pag-aaway ng magkasintahan ay tila marami ang nakarinig sa iba pang pasahero kung ano ang kanilang pinagbabangayan dahil sa ginawa nilang komusyon na talaga namang nakakahiya dahil sa pampublikong lugar pa sila nag-away. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!