Netizens Pinagkatuwaan Ang Umuusok Na Ad Ng Isang Corned Beef Na Nasa Likuran Ng Bus


Sa araw-araw na pagbabyahe at pagcommute ng mga pasahero ay witness sila sa mga iba't ibang pangyayaring nagaganap sa lansangan. Minsan dahil sa pagkabagot sa trapik at mahabang biyahe ay kung anu-ano ang kanilang mga napaglilibangan.

Isang video ang ibinahagi ng Facebook user na si Willard Timog Nayve sa kanyang social media account na kinagiliwan ng mga netizens at umabot na sa 80,000 shares at 50,000 likes sa ngayon.

Makikita kasi sa video ang isang ad ng isang corned beef na nakalagay sa likuran ng bus na umuusok. Maririnig sa video na pabirong sinasabi na "luto na ang corned beef mo" dahil tila mukhang niluluto nga ito.

Maraming netizens ang natawa at natuwa rito dahil sa kabaan ng trapiko sa EDSA Quezon Avenue ay parang nakapagluto na ng corned beef ang bus dahil sa  mabagal na pag-usad ng mga sasakyan. Hindi naman natukoy kung ano ang sanhi ng pag-usok sa likuran ng bus kung tambutso lang ba ito o ano.

Samantala, maririnig na sinasabi ng netizen sa background na,
"O, luto na yung corned beef mo. Ser, tignan mo, luto na yung corned beef, nausok na e!"

Maging ang ibang tao sa paligid ay maririnig na pinagkakatuwaan at tinatawanan ang umuusok na likod ng bus. Kung hindi naman dahil sa komento ng netizen na tila parang niluluto ang corned beef ay malamang hindi naman din ito pagkakatuwaan ng iba. 

Bumenta naman ito sa mga netizens kaya naman kanya-kanyang tag sa kanilang mga kaibigan sa social media. Narito ang nakakatuwang komento ng ilan.

"Ang tataba ng mga utak."

"Babaaaa luto na yung corned beef."

"Hahaha. Kanin na lang ang kulang."

Isang netizen naman ang nabahala sa video at nagkomento na sana ay imbes na vinideohan ay pinuntahan na lang agad ang driver upang sabihin na umuusok ang likuran ng bus. Ngunit sagot ni Nayve na siya raw ang unang nagsabi sa driver at kundoktor ngunit hindi raw siya pinansin nito kaya kinuhanan na lang niya ng video.

Dagdag pa niya na dapat ayusin ng bus company na ito ang serbisyo nila at tiyakin ang seguridad ng mga nakasakay lalo na't maraming mga pasaherong katulad niya ang sumasakay dito.

Panuorin ang video rito:


Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!