Ogie Alcasid, Binigyan ng Sasakyan ang Kaniyang Anak na si Sarah Alcasid Bilang Regalo sa Kaaarawan Nito




Lahat tayo ay may iba't ibang kahilingan sa kanilang kaarawan. Ang iba sa atin ay gusto na maging espesyal ang kanilang kaarawan. Mayroon namang iba na gusto ng magarbong birthday party. Ang iba ay gusto lamang na simple kung saan sapat na ang makasama ang kanilang pamilya o mga taong minamahal sa buhay. May mga tao rin naman na gusto nila ng adventure sa kanilang kaarawan kaya naman sila ay namamasyal sa ibang bansa o kaya sa iba't ibang mga lugar.

Kahit ano pa man ang iyong kahilingan sa iyong araw ay napakalaking saya nito kung ang mga hiling mo ay matutupad sa mismong araw ng inyong kaarawan. Tulad na lamang sa ibinigay na regalo ng isang sikat na singer, aktor na si Ogie Alcasid sa kaniyang anak na si Sarah Alcasid.




Makikita sa post ni Ogie sa kaniyang Instagram ang litrato ng kaniyang anak at ang kotseng regalo nito para sa kaniya. Sabay nito ang caption na,

“Happy bday my dear baby girl! Be safe driving God bless you and I love you so much!!!@sarahalcasid"


Sino ba naman ang hindi maglulundag sa tuwa kung ang iyong pinapangarap sa iyong kaarawan ay ibibigay ng iyong mga magulang. Kaya naman talagang natuwa si Sarah ng matanggap ang kaniyang regalo na sasakyan mula sa kaniyang ama.


Si Sarah ay ang anak nina Ogie Alcasid at ng dating Beauty Queen na si Michelle Van Eimeren. Kasalukuyang nakatira si Sarah sa poder ng kaniyang Ina na nasa Australia. 




Kahit na hindi sila magkasama ng kaniyang Ama na si Ogie, madalas pa rin siyang pinupuntahan ng Ama sa ibang bansa upang makapagbonding kasama na rin ang kaniyang kapatid na si Leila Alcasid. 


Maayos pa rin ang pagsasamahan nina Ogie at ng kaniyang dating asawa kahit na hiwalay na ang mga ito simula noong Taong 2007. Sa katunayan, minsan ay nagkakasama sina Regine at ang dating asawa ni Ogie kung saan kabonding nila ang kanilang mga anak.


Talagang napaka-blessed nga naman ni Sarah sa kaniyang ama dahil supportive ito sa lahat ng bagay kahit na may bago na itong pamilya.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda