Payatot Na Mascot Ng Jollibee Sa Canada Pinagkatuwaan Ng Mga Netizens



Talaga namang parami na ng parami ang mga nagbubukas na stores ng sikat na fastfood chain dito sa Pilipinas, ang Jollibee. At maging sa ibang bansa ay nag-eexpand na rin ito dahil sa Calgary, Canada ay nagbukas ang pinakaunang branch nito.

Tiyak noong grand opening nito ay pinilahan ito ng mga Pilipinong nandoon dahil sino ba naman ang hindi makakamiss sa pagkaing Pinoy. Bukod sa sikat nilang tagline na "Langhap Sarap" ay di maitatanggi na pamilyar na pamilyar na rin ang mga Pinoy, bata man o matanda sa mascot nitong si Jollibee.

Ang masayahin at cute na bubuyog nitong mascot na may makulay na kausotan ay tiyak na nakakapagbigay saya sa kanilang mga customers. Kaya naman kapag maghahanap ng mga videos o articles tungkol sa Jollibee ay napakaraming lumalabas na interesting na paksa. 

Ngunit ang nakapukaw ng pansin sa mga netizens nitong nakaraan lamang na linggo ay ang payatot na mascot nito ng Jollibee sa bagong bukas na store nito sa Calgary Alberta, Canada. 

Ibinahagi ng netizen na si Flip Doctolero sa kanyang Facebook post ang isang Jollibee mascot na payat at mukhang sak!tin. Kung pamilyar nga kayo kay Jollibee ay hindi naman nga ganito ang kanyang mukha.

Caption niya sa kanyang post, "Jollibee grand opening! Anong nangyari sayo Jobee?" na may kasamang sad emoji sa huli.

Tila hindi napaghandaan ng tama ang ipinasuot na costume sa mascot kaya naman marami ang nagtaka rito.

Samantala, pinagkatuwaan naman ito ng mga netizens at sinabi na baka ito ay na-stressed o di kaya ay nagdiet. Marami rin ang nagtaka kung bakit noong napunta ito sa Canada ay biglang pumayat si Jollibee. 

Narito ang ilang komento ng mga netizens. 

"Nagkulang sa vitamins at minerals!"

"Ang payat ni Jollibee sa Canada. Slim version hahaha."

"Kayo ba naman ang lumipad ng Pilipinas hanggang Canada."

"Buti pa si Jollibee pumayat na. hahaha"

"Stress si Jobee walang tulog for grand opening! hahaha"

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!