Taxi Driver sa Baguio, Nakatanggap ng Pabuya Dahil sa Pagbalik ng Bag na May Laman na Php1M




Ang katapatan ng taxi driver na mula sa Baguio ay nag dala sa kanya ng hindi inaasahang pabuya. Kung sa tingin mo na wala ng mabubuting tao sa mundo, ibahin mo ang iyong pananaw dahil ang taxi driver na ito ang mag aalis ng iyong maling pananaw. Bagaman ay meron na siyang tyansang ibulsa ang isang bagay na may halaga, hindi siya nag pakagat sa tukso ngunit  ginawa niya ang tama at ibinalik ito sa taong may nag mamay-ari nito! 

Siya ang isa sa mga ebidensya na may mga tao pang mababait at ang katapataan ay umiiral pa sa puso ng mga tao. Sa halip na ibulsa niya ito, ang taxi driver na mula sa Bagui ay ibinalik ang maletang may laman na isang milyong pisong halagang mga gadgets, importantend dokyumento, at pang personal na gamit na isang Australian na businessman. Si Ace Estrada II, mula sa BPO Training Company Vivixx Academy at isang kaibigan ng Australian businessman na nakaiwan ng maleta, ang nag post sa story mula sa kanyang Facebook account. Ang taxi driver na ito ay mula pala sa Baguio at napag alaman na siya ay si Mr. Reggie Cabututan.





Dahil sa pag dudumali ng Australian Businessman na ito, ay naiwan niya ang kanyang maleta na nag lalaman ng mga mahahalaga at mahal na gamit mula sa likod ng taxi ni Mr. Cabututan. Siya ay papunta ng Calle Uno, Quzon Hill sa Baguio City noong nakalimutan niya ang kanyang maleta. Dahil sa kanyang katapatan, binigyan ng pabuya ng Australian businessman si Mr. Reggie Cabatutan ng dalawang daaang libo at dalawang pu't libong pisong scholarship mula sa Vivixx Academy at Coder Factory, isang Australian based coding trainer center. 

Kapag matapos ni Reggie ang kanyang anim na buwan na boot camp coding, garantisadong makakakuha siya ng internship sa isang Australian company na kung saan kikita siya ng isang milyon at pitong daang libong piso kada taon. Totoo nga na kapag ikaw ay may ginawang mabuti para sa iyong kapwa, ay pag papalaain ka ng madaming grasya ng hindi mo inaakala. Sana ay maging katulad natin si Kuya Reggie.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa