Viral Ang Isang Estudyante Na Nag-ala SpiderMan Sa Classroom



Akala natin na sa pelikula lang nakikita ang sikat na superhero na si Spiderman. Pero sa totong buhay, ay tinawag na 'Spiderman" ang isang lalaking ito matapos na magpasabit-sabit sa dingding.

Ang isang estudyante na ito sa Catalunan Pequeño National High School sa Davao City ay nakapagbigay aliw sa mga netizens matapos maupload ang isang video na nag-ala Spiderman ang kanilang kaklase.

Ibinahagi ng netizen na si Mark Joseph Serondo sa kanyang social media account ang mga estudyanteng nagkakatuwaan sa loob ng classroom. 

Makikita na ang isang lalaking taya ay nakapiring ang mata habang sinusubukang hanapin ang kaklase niyang nagtatago. Kahit na gaano pa katangkad ang lalaking nakapiring ay hindi pa rin niya maabot-abot ang kaklaseng nakatuntong sa bintana.

Mapapanuod sa video na ang estudyanteng nag-ala Spiderman ay tila parang nakadikit sa dingding at kisame habang naka-alalay ang kanyang paa at kamay sa blackboard at sa grills ng binta. Kahit anong pilit na kapa ng lalaking nakapiring sa kanyang kaklaseng nagtatago ay hindi niya talaga ito mahanap.

Samantala, pinipilit naman na hindi matawa ng lalaking nasa taas dahil baka mahuli siya ng taya,. Ang nakakatuwa pa rito ay nagpapalipat lipat pa ng lugar ang ala-Spiderman na lalaki upang hindi siya mahanap at hindi siya mataya.

Mas nakadagdag naman ng aliw ng gawing background music sa video ang theme song ng "Marvel" at "Spiderman."

Makikita rin na tawang-tawa ang kanilang ibang kaklase dahil sa kakaibang moves ng ala-Spiderman nilang kaklase upang hindi lang siya mahuli.

Maraming netizens naman ang naaliw at kinabahan rito dahil baka isang pagkakamali lang ay mahulog ang lalaki. Narito ang kanilang iba't ibang komento.

"Grabe yung effort hahaha."

"Lupet hahaha pero akala ko mahuhulog."

"Yung nagaabang kang mahulog si Spiderman."

"Web na lang ang kulang."

Sa ngayon ay umabot na sa 54,000 shares ang video at 31,000 likes. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Anak Ng Isang Magsasaka Maswerteng Napakag-aral Sa Harvard University Ng Libre