Babae, Nadiskubre ang Nakakaantig Damdamin na Diary ng Kaniyang Lola na 52 Years Ng Nakatago




Lumipas ang limang pu’t dalawang taon, natuklasan ni Erika Mae Balagtas ang isang diary na kabilang sa kanyang lola. Ang nilalaman na nakasulat sa diary na kaniyang nakita ay tungkol sa love story ng lola ng kanyang lola. Natuklasan ni Erika ang diary ng kaniyang lola nang umuwi siya sa Bulacan, ang kanyang sinilangang bayan. Ang kuwento ay nangyari noong 1966 at dapat itong maging isang napakahalagang kayamanan para sa kanyang lola dahil naging bahagi ito ng kanyang buhay.



Ang kwento ay ibinahagi ni Erika sa kanyang Facebook social media account at marami ang naantig at nagpasalamat kay Erika sa pagbabahagi ng isang klasikal na liham ngunit sobrang pambihira at kamangha-manghang totoong kuwento patungkol sa pag-ibig. Ayon sa kwento na kaniyang nabasa, ito ay patungkol sa kaniyang lola na natagpuan ang mahal nito na si Tasing. 






Nagkakilala ang kaniyang lola at si Tasing dahil isa itong military na naging katrabaho ng kaniyang amain. Nagkamabutihan sila hanggang nagpalagayang loob. Paglipas ng mahabang taon ng pagsasama, plinano ng mag nobyo na magpakasal na. Ngunit sa dinami dami ng mga trabaho ng kaniyang nobyo ay napagpapaliban ang pag anunsyo ng mag nobyo na sila ay ikakasal sa pamilya ng babae. 

Dumating ang panahon na kung saan ay handa na silang magtapat sa kanilang mga magulang ngunit bago pa man ito mangyari ay may telegramang dumating kay Fely na hindi makakauwi si Tasing dahil ito ay nasa ilalim ng pagsusuri sa isang osp!tal. Nang handa ng bisitahin ni Fely si Tasing ay nagulat ito ng madatnan nito na binawian na ito ng buhay. Sa halip ay puting damit ang kaniyang isinuot sa paghahatid kay Tasing sa altar ng simbahan ay itim ito at hanggang doon sa panahon na iyon ay hawak hawak ni Fely ang singsing na ipinangakong isusuot sana ni Tasing sa kaniya pagdating ng panahon.

Comments

Popular posts from this blog

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!