Bernadette Sembrano, Ibinahagi ang Karanasan Matapos Uminom ng Milktea na may Ipis




Usong-uso ngayon sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa ang isang inumin na orihinal na nagmula sa bansang Taiwan, ito ay ang tinatawag na Bubble Milk Tea . Ito ay simpleng kombinasyon ng tsa-a at gatas na hinaluan ng yelo upang maging malamig at nilalagyan ng pearl o iba’t-ibang klase ng gulaman. Halos kabilaan ang mga tindahang nagsulputan sa mga mall at kung saan pa man na nagbebenta ng sari-saring flavor ng inuming ito. Kaya nga lang ay ang mga taong nagnanais na bumili nito ay dapat may mahabang pasensya sapagkat sa sobrang pagkahilig ng mga Pilipino rito ay pagkahaba-haba ng pila sa mga bilihan nito. 

Si Bernadette Sembrano na kilalang sikat na tagapagbalita sa telebisyon ay hindi naiiba sa mga ordinaryong tao na nagustuhan rin ang sikat na inumin, ngunit nito lamang ay may hindi magandang karanasan na nangyari sa kanila ng kanyang asawa matapos bumili ng milktea.

Bumili sila ng milk tea mula sa Yi Fang Taiwan Fruit Tea nitong nakaraang Linggo lamang sa may Greenbelt, at habang ninanamnam nila ang kanilang mga inumin, may napansin ang asawa nito na parang kakaiba itong nanguya. Sa unang akala ay animo isang piraso ng plastik kaya naman agad nitong iniluwa. Subalit laking gulat nila na hindi sago o plastik ang natagpuan nila kundi isang pat(a)y na ipis pala!


Labis ang pandidiring nadama ng mag-asawa ngunit nagpapasalamat pa rin sila dahil hindi nito tuluyang nalunok ang insekto.

Naiparating na ni Sembrano ang insidente sa kumpanya at agad naman tumugon ang mga ito at nagsabing ipapasara nila pansamantala ang naturang tindahan upang maingat na mainspeksyon ang kalinisan rito. 




Nag-alok rin ang mga ito na sasagutin ang ano mang medikal na gastusin sakaling kailanganin silang isugod sa ospital. 


Nagpasalamat naman ang tagapagbalita dahil sa mabilis na aksyon ng mga ito at sinabing bibili pa rin sila ng inumin doon lalo pa’t dahil sa pangyayari ay paniguradong magiging mas maingat at maselan na ang mga ito sa paggawa ng kanilang produkto.




Ang pangyayaring ito ay ibinahagi ni Sembrano sa kanyang Instagram account upang magsilbing babala sa mga tao na maging mas mapanuri at maingat sa mga pagkain at inumin lalo na kapag hindi sila mismo ang gumawa upang makasiguro na malinis ang mga ito at hindi kontaminado. Umaasa rin ito na isang beses na pagkakamali lamang ang nangyari at hindi na mauulit sa iba pang tao at iba pang pagkakataon.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera