Bigla na Lamang Sumabog ang Powerbank ng Netizen na Ito Kahit Hindi Niya Ito Ginagamit!




Kung ikaw ay madalas na gumamit ng iyong smartphone, mahalaga para sa iyo ang pagkakaroon ng 'powerbank’ dahil ito ay malaking tulong para magkarga muli ng baterya ang iyong telepono. Karamihan sa mga powerbank na ito ay naka-charge magdamag para magamit ito ng buong araw kinabukasan, ngunit hindi ito pinapahintulutan ng mga authoridad dahil ito ay mapanganib.

Marami ng naging kaso ng pagkasunog at pagsabog ng mga powerbank lalo na kung ito ay hinahayaang naka-charge magdamag. Kamakailan lang nga isang netizen na naman mula sa Thailand ang nagbahagi ng kaniyang hindi inaasahang karanasan mula sa nabiling powerbank.


Siya ay nakilala bilang si Patravee Srisuntisuk at ayon sa kaniya, nagising siya ng madaling araw dahil sa labis na pag-ubo dulot ng makapal na usok sa kaniyang kwarto. Nang magising ay napag-alaman niya na ang usok ay nagmula pala sa nasusunog niyang powerbank.


“I was sleeping but woke up coughing at around 5 am. I saw smoke around me, rising to the height of around 20 cm. I quickly extinguished the fire and saw that the explosion was caused by my power bank,” pahayag ni Srisuntisuk.



Nag-viral ang nasabing post ng dalaga at umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens. Ang ilan nga sa kanila ay nagulat at halos hindi makapaniwala nang sabihin ni Srisuntisuk na hindi naka-charge ang kaniyang powerbank at naiwan niya lang ito sa sahig habang siya ay natutulog.


“Be sure to buy from trusted stores only. P.S It wasn’t being charged, It was just lying on the floor,” dagdag pa ng dalaga.


Samantala, ayon naman sa Mobile Charger, malaki ang posibilidad na sumabok ang mga powerbank kahit na hindi ito naka-charge lalo na at nagkaroon ito ng ‘short circuit’. Maaring mangyari ang ganitong insidente kung nanggaling ang produkto sa hindi mapagkakatiwalang manufacturer at kapag hindi wasto ang pagkakagawa nito.




“If the circuit design is not in line with the safety standards of the battery, the risk of power banks exploding increases," pahayag ng Mobile Charger.

Kaya naman patuloy na nagpapa-alala ang mga authoridad na kung maari ay gamitin ng wasto ang ating mga gadget at huwag itong itabi sa tuwing natutulog dahil na rin sa posibilidad na ito ay mag 'overheat' at sumabog.

Comments

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Isang Lalaki ang Successful sa Pagtanim ng Kauna-Unahang Puno ng APPLE sa Pilipinas!

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo