Dalawang Babaeng Pasahero Nagsagutan Dahil Lang Sa Pagtatakip Lang Ng Ilong



Hindi maiiwasan na minsan dahil sa sobrang siksikan sa sinasakyang pampublikong sasakyan ay mabilis rin na kumalat ang mga sak!t. At para na rin makaiwas sa ganitong mga sak!t ay nagsusuot ang iba ng face mask o di kaya ay nagtatakip na lang ng ilong upang hindi rin malanghap ang usok at polusyon.

Ngunit dahil lang sa pagtatakip ng ilong ay nagkasagutan ang dalawang babaeng pasahero. 

Naibahagi ng Facebook page na Arte Lang ang video ng sagutan dalawang babaeng nakasakay sa isang bus. 

Biglang uminit na lang ang ulo ng isang matandang babae dahil lang sa pagtatakip ng ilong ng kanyang kapwa pasahero. Dito ay nagsimula na ang mainit na pagtatalo ng dalawa at umabot na sa sigawan at murahan.

Tila nainsulto raw ang matandang babaeng nakatayo dahil nagtakip ng ilong ang babaeng kanyang nakasagutan. Ngunit sagot naman ng isa na kaya niya ginawa iyong pagtatakip ng ilong ay dahil gusto lang niya na protektahan ang kanyang sarili sa mga sakit lalo na pa't sila ay nasa aircon na bus.

Umabot sa punto na dahil sa sobrang galit ng isa ay parang sasampalin na niya ito. At ilang sandali pa ay puro nagmumurahan pa rin ang dalawa. Ilang minuto rin bago inawat ang dalawa at tumawag na rin sila ng pulis.

Pinapababa na sa bus ang dalawang babae ngunit ayaw bumaba ng mga ito. Ang ilang mga pasahero ay nagrereklamo na dahil naaantala na ang kanilang byahe dahil lang sa pag-aaway ng dalawa. 

Maririnig sa video na ang babaeng nagtakip ng ilong ay napaiyak na ngunit ang isang babae ay nagtataas pa rin ng boses.

Wala naman sigurong masama kung magtakip ng ilong o mag-face mask kapag nasa mga pampublikong lugar lalo na pa't marami na ang kumakalat ngayon na sak!t. 

Kaya naman ang mga netizens ay galit na galit rin sa ginawa ng matandang babae. Hindi naman sana aabot sa ganon kung sanang hinayaan na lang niya o di kaya ay kinausap na lang ng maayos. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!