Estudyanteng Walang Kamay, Ginagamit ang Kaniyang mga Paa Upang Makaguhit ng Kaniyang mga Artworks




Isang estudyante na nag-aaral sa Olongapo City National High School ang sumikat sa social media matapos makita ng mga netizens ang nilikha nito gamit lamang ang kanyang mga paa. Kinilala ang magiting na estudyante na ito na si Angel Mae Otom, 16 anyos na dalagita na kumatawan sa kanyang paaralan para sa Division Schools Press Conference. 

Kamakailan ay sumali si Angel sa isang paligsahan sa pagguhit sa kanilang eskwelehan na ginanap mismo sa kanilang lalawigan. Ito ang unang pagkakataon na sumali ito sa patimpalak at napansin ng mga tao ang kanyang likha na siyang labis ikinahanga ng mga ito nang malaman nila na mayroong kapansanan ang gumawa ng mga obra na ito.



Si Angel ay may kapansanan kung saan hindi ito biniyayaan ng kamay subalit hindi ito naging hadlang sa kaniyang talento at mas pinagbuti pa nito ang pagguhit gamit lamang ang kaniyang mga paa.


Si James Konstantin Galvez, ang netizen na nagbahagi ng mga larawan ni Angel sa social media dahil labis itong napahanga sa angking talento ng dalagita. 

Ayon kay James, hindi lamang ang kakayahan ni Angel na gumuhit ang kapuri-puri kundi maging ang determinasyon nito na pag-aralan na gawin ang mga bagay-bagay kahit pa ito ay ipinanganak na walang mga kamay at kung paanong hindi naging hadlang ang kakulangan nito upang hindi nito magawa ang hilig at passion.


Karamihan sa mga taong nakakita sa mga larawan ni Angel ay nagpakita ng suporta para rito ngunit may ilan rin na nagpahayag nang pagkabahala na baka raw dahil sa kondisyon ng dalagita, ay hindi maging patas ang mga hurado sa pagpili ng karapat-dapat na mananalo sa paligsahan. 




Hindi nagustuhan ni Galvez ang kumento at sinabi nito na ang layunin ng kanyang post ay upang magbigay ng inspirasyon sa ibang tao at na ang desisyon ng mga hurado sa patimpalak ay ibang usapan na dahil panigurado ay alam ng mga hurado ang kanilang ginagawa. 



Kalaunan, isang tagapangasiwa ng paligsahan ang nakumento na kahit ang ranggo ng estudyante ay pang-anim, hindi raw nakapasok ang dalagita sa Regional Schools Press Conference (RSPC) dahil hindi ito umabot sa top 3. 

Ganoon pa man, Kahanga-hanga pa rin ang nakamit ni Angel lalo pa sa tulad niyang walang mga kamay. Isa itong patunay na walang imposible sa taong matiyaga at may determinasyon. 

Saludo kami sayo Angel! Ipagpatuloy mo lang yan at maaari kang makilala sa iyong kagalingan!

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda