Ganito Kaganda si Dina Bonnevie Noong Dalaga Pa Siya




Isa si Dina Bonnevie sa mga aktres na talaga namang pinagkaguluhan ng taumbayan noong dekada 80 dahil sa angking ganda at galing nito sa pag-arte. 


Para sa mga hindi nakakaalam, Geraldine Schaer Bonnevie ang totoong pangalan ng aktres at ipinanganak siya noong January 27, 1961. Isang Frances ang kaniyang ina at Pilipino naman ang kaniyang ama na taga Bicol. Labing-walong taon pa lamang siya noong sinubukan niyang pumasok sa mundo ng show business at hindi siya gaanong nahirapan sa pag-abot ng pangarap na maging artista dahil sa angkin niyang ganda at talento. 


Tinulungan rin siya ng ilang mga kaibigan na may koneksyon sa industriya at ipinakilala sa direktor na si Joey Gosiengfiao. Bago ang mga kaganapang ito ay nakilala na ang kaniyang ganda sa isang patimpalak na tinawag na Miss Magnolia noong taong 1979 kung saan nanalo siya bilang first runner up. 




Nagsimula naman siyang mapanood ng publiko sa telebisyon nang mapasama siya sa mga pelikulang "Underage" at "Temptation Island" noong taong 1980. Naging maayos ang takbo ng karera ni Dina Bonnevie noong nasabing taon at sa katunayan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging pangunahing aktres sa pelikulang "Katorse" kasama ang mga aktor na sina Alfie Anido and Gabby Concepcion. Dito nakita ng mga direktor ang angking galing sa pag-arte kaya naman naging sunod-sunod ang mga proyekto na kaniyang ginawa na umani ng mga paranggal. 


Marami rin ang nahumaling sa angking ganda ng aktres ngunit tanging si Vic "Bossing" Sotto ang nanaig at naging unang asawa niya noong taong 1980. Nagkaroon sila ng dalawang anak ngunit naghiwalay rin ng landas noong taong 1992. Sa kasalukuyan ay masaya ang aktres sa piling ng kaniyang pangalawang asawa na si Deogracias Victor Savellano na pinakasalan niya noong 2012. 




Tunay ngang hindi pa rin nawawala ang karisma ni Dina Bonnevie sa mga tao at sa katunayan, isang netizen na nagngangalang Senh Pascua ang nagbahagi ng kaniyang larawan sa Facebook group na Memories ng Old Manila at sinabi ang mga katagang: 

"Dina Bonnevie (in the) 80s. Siya ‘yong gandang hindi nakakasawang tignan." 

Ikaw, anong masasabi mo sa aktres na si Dina Bonnevie?

Comments

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Pinaglinis Ang Isang Kasambahay At Nakatagpo Ito Ng Napakaraming Pera, Pero Duda Niya Isa Lang Itong 'Honesty Test' Sa Kanya

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation