Hindi Naging Hadlang ang Kapansanan ng Lalaking Ito na Maging Sundalo at Magbigay Serbisyo sa Bayan




Hindi naging hadlang sa isang lalaki na ito na maging isang sundalo kahit na mayroon siyang kondisyon kung saan may depekta ang likod nito. Kinilala ang sundalong ito na si Lino B. Apante, isang lalaki na marangal na nagseserbisyo kahit na mayroon itong kapansanan kung saan may depekto ang porma ng kaniyang likod na madalas tawagin ng ilan na “Hunchback”. 

Sa loob ng 15 taon, siya ay kabilang sa ating Hukbong Himpapawid at boluntaryo ring nagbibigay ng kanyang serbisyo para sa ating mga kababayan. Hindi na bago sa kanya ang makarinig ng pangungutya mula sa ibang tao ngunit ang mga ito ay hindi niya hinayaang humila sa kanya pababa, bagkus, ginawa niya itong inspirasyon upang patunayan sa mga ito na kaya niyang gawin ang anumang gawain katulad ng mga lalaking normal at walang diperensya. 


Naging daan ang dating kaklase at ang kanyang kasamahan sa serbisyo na sila Alexis Pedro Ramirez at Adrian Nitro Rafuson sa pagbabahagi ng kanyang kwento sa pamamagitan ng isang Facebook post.  




Ibinahagi nila ang mga litrato ni Lino at isinulat ang ilang bahagi ng kanyang kwento sa pagnanais nilang ipakilala ito sa mga tao bilang isa sa mga bayani ng ating bansa. 


Ayon kay Ramirez, maraming pinagdaanang paghihirap sa buhay si Lino mula pa noong sila ay nasa kolehiyo, ngunit makikitaan na ito ng masidhing kagustuhan na maipagpatuloy ang mabuting gawain at sumali sa Hukbong Himpapawid, bagay na pinagdudahan ng mga tao na magagawa niya sapagkat maaaring hindi raw ito matanggap dahil sa kanyang kondisyon. 

Sabi naman ni Rafuson, hindi lahat ng mga bayani ay sikat at kilala sa iba’t-ibang lugar, ilan sa kanila ay nagbibigay serbisyo nang tahimik. Binigay niyang halimbawa si Lino sa mga bayaning tahimik na nagbibigay ng kanilang serbisyo at masigasig na tumutulong sa kapwa. 



Dahil sa kahanga-hangang katangian nito ay ipinadala pa mismo ni Rafuson ang kwento ni Lino sa isang palabas sa telebisyon na tinatawag na Maalaala Mo Kaya (MMK) kung saan isinasadula ang iba’t-ibang kwento na hango sa totoong buhay, ngunit hanggang ngayon ay wala pa silang nakukuhang sagot mula sa naturang palabas. 


Sa mundo kung saan karamihan sa mga tao ay tumatangging mag-abot ng tulong sa kapwa, maging tulad ni Lino na kahit gaano man kahirap ang buhay ay handa pa ring mag-alay ng sarili para lamang sumaklolo sa mga higit pang nangangailangan. Kung kaya niya at ng iba pang taong may kapansanan at diperensya sa katawan, mas kaya natin.

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Silipin ang Napakalaking Bahay ni Pokwang sa Antipolo