Ilang Netizens Gusto Nalang Magtrabaho Bilang Siomai Vendor Dahil sa Sahod Na 15,000 Kada Buwan!




Madalas nating naririnig ang mga katagang "Mag-aral kang mabuti para malaki ang kikitain mong pera pagkatapos ng iyong pag-aaral." Mayroong katotohanan ang payo na ito mula sa mga nakatatanda sa atin at hindi naman masama kung ito ay ating susundin. Ngunit mayroon din namang nagsasabi na mas maraming yumayaman sa negosyo kumpara sa pagiging isang empleyado.

Napatunayan na ito ng ilan sa ating mga kababayan at mas lalo pang pinatindi ng balitang marami sa mga estudyanteng nagtapos ng kokehiyo ang hanggang ngayon ay nahihirapang makahanap ng maayos na trabaho na angkop sa kanilang kinuhang kurso.

Kaugnay nito, kamakailan lang ay pinagkaguluhan sa social media ang Facebook post ng concerned netizen na si Keydee Buenaventura.


Makikita sa kaniyang ibinahaging larawan ang karatula na may nakasulat na " WANTED SIOMAI VENDOR SALARY 15/mo."




Umani ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Ang ilan nga sa kanila ay ginawang katatawanan ang post ngunit may ilan naman na nagpakita ng seryosong interes. Nakasaad din sa karatula ang numero ng telepono na maaring tawagan ng mga interesadong mag-aapply sa nasabing posisyon.


Kung totoo nga ang balita, "good news" ito para sa mga naghahanap ng trabaho. Hindi na masama ang 15,000 na sahod sa loob ng isang buwan lalo na at hindi mo naman kailangan makipagsiksikan sa trapik ng EDSA. Ang maganda pa sa trabahong ito ay walang ibang kwalipikasyon ang kailangan kundi marunong ka lang magsukli ng pera at magluto ng siomai. Hindi mo na rin kinakailangan pang mag-ayos ng bongga bago pumasok sa trabaho.



Kung madiskarte ka nga at magtitinda ka pa sa gabi ay maari ka pang kumita ng higit sa 15,000 kada buwan!


"Siomai pa lang ang ititinda paano pa kaya kung sasamahan mo ng pagtitinda sa gabi," dagdag pa ni Keydee.

Ikaw, gusto mo din bang kumita ng 15,000 o higit pa kada buwan? Mag-siomai vendor kana o di kaya naman ay simulan na ang pagkakaroon ng sarili mong negosyo.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera