Isang Estudyante Niregaluhan Ng Buhay Na Manok Ang Kanyang Guro



Taun-taon ay ipinagdiriwang nating ang araw ng mga guro. At nitong nakaraang Oktubre 4 ay naganap ang World Teacher's Day na kung saan binigyan ng pugay at pagpapahalaga ang lahat ng mga guro sa Pilipinas.

Nakaugalian na ng mga estudyante sa araw na ito na pasayahin nila ang kanilang mga guro. Ang iba ay naghahandog pa ng program, nagbibigay ng sulat, o di kaya ay nagbibigay ng regalo sa kanilang titser.

Kung madalas na ibinibigay ay mga tsokolate at bulaklak, ibahin ninyo ang isang batang ito na nagbigay ng isang buhay na manok sa kanyang teacher.

Ibinahagi ng guro na si Talon Claude na nagtuturo sa Banlawan Primary School sa General Santos City ang munting regalo ng kanyang estudyante na hindi pangkaraniwang ibinibigay.

Ayon sa kanyang caption,

"Wala yang flowers, chocolates, cakes and balloons niyo sa Native Manok ko! hahaha. Thank you LEGASPI. Pinaka happy teacher si maam. It doesn't matter how expensive or how cheap it is. It's always the thought that counts.

Happy Teacher's Day!
Flex ko po si baby Chickie."

Ayon kay Claude ay nagtanong muna ang bata sa kanya kung maaari siyang magdala ng buhay na manok. Sinagot niya ito ng oo naman basta't galing sa puso at pinagpaalam sa magulang.

Sa pag-aakala ni Claude ay nais ibigay ito ng bata sa kanilang school head. Ngunit noong mismong araw ng celebration ay nagulat na lang siya nang iabot na ang buhay na manok sa kanya.

Kala pa niya noong una ay biro-biro lang iyon dahil ito pa lang ang unang pagkakataon na makatanggap siya ng isang regalo na isang buhay na manok. Sabi ng kanyang co-teacher na ulamin na lang daw nila iyon ngunit tumanggi siya at sinabing wag na lang muna. 

"E-document ko muna yan kasi first time ko pong makakatanggap ng manok. It means a lot to me."

Samantala, maraming netizens naman ang natuwa sa pagiging thoughtful ng bata na si Legaspi sa kanyang guro. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira