Kakaibang Restroom na may Aquarium sa Loob, Sikat na Destinasyon sa Japan




Ang mga millenials sa panahon ngayon ay mas nagiging partikular na sa lugar na kanilang kakainan o di kaya naman ay papasyalan. Karamihan sa kanila ay naghahanap ng tinatawag nilang "Instagrammable place" o yaong lugar na kakaiba at maganda kapag kinunan ng larawan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit halos lahat ng mga coffee shop o restaurants ay may kani-kaniyang pakulo pagdating sa disenyo ng lugar ganoon na rin sa serbisyo na kanilang ibinibigay sa mga customer.


Isa na rito ang binabalik-balikang coffee shop sa Japan na tinatawag na Hippo Papa Café (dating Mumin Papa). Sikat ang kainang ito na matatagpuan sa Hayashizaki Matsue Coast sa Akashi-shi, Hyogo Prefecture dahil sa kakaiba nilang palikuran para sa mga kababaihan! Nagmumukha kasi itong malaking aquarium dahil sa mga salaming nakapaligid dito kung saan makikita mo ang mga isdang lumalangoy.




Naisipan ng may-ari ng naturang coffee shop ang ideyang ito bago pa man maimbento ang Instagram dahil nais niyang mabigyan ng kakaibang karanasan ang kanilang mga customer sa tuwing gagamit sila ng palikuran. Hindi niya akalain na tatangkilikin pala ito ng kaniyang mga customer at dahil dito ay napabilang ito sa mga atraksiyon na dinarayo ng mga turistang pumupunta sa Japan. 

 Ayon sa may-ari, aabot sa $270,000 o humigi't kumulang 13.9 milyon pesos ang nagastos nila sa pagpapagawa ng nasabing restroom at mukhang sulit naman ang gastos dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit nakatayo pa rin ang negosyo nila hanggang ngayon makalipas ang mahigit labindalawang taon!




Madalas ay mahaba ang pila sa palikuran dahil mas nagtatagal ang mga customer sa loob kasya sa natural nilang paggamit ng banyo. Ang ilan ay kumukuha pa ng selfie habang nasa loob samantalang ang iba naman ay kinukuhanan ng video o larawan ang mga isdang lumalangoy. Para lamang sa mga kababaihan ang nasabing palikuran ngunit ayon sa may-ari ng coffee shop, hinahayaan rin nilang makita ito ng mga lalaki sa tuwing walang gumagamit nito.

Maraming netizen ang namangha sa kakaibang atraksiyon na ito sa Japan at nais nilang masubukan ang karanasan ng paggamit ng palikuran habang may mga isdang lumalangoy sa mga pader at nakatitig sayo habang gumagamit ka ng banyo.

Ikaw, nais mo rin bang masubukan ang kakaibang karanasan habang nasa loob ka ng palikuran?

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Silipin ang Napakalaking Bahay ni Pokwang sa Antipolo