Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep


Minsan dahil sa sobrang pagod ay inaantok na ang iba sa byahe lalong lalo na kapag malayo pa ang kanilang lalakbayin o di kaya ay kapag ma-traffic. Ngunit habang bumabagsak ang ating mga mata ay maging ang ating katawan ay unti-unti na rin nawawala sa pwesto sa pagkaka-upo.

Kaya naman minsan, di natin naiiwasan na napapansandal na lang sa ating katabi. At talaga namang nakakahiya lalo na't kapag hindi mo naman kakilala ang katabi mong pasahero.

Katulad na lamang ng naranasan ng isang lalaki na nakilala bilang si Edson Falcis na ipinost sa kanyang Facebook account ang isang kapwa niyang pasahero na di sinasadyang napasandal sa kanyang balikat dahil sa sobrang antok habang sila ng kanyang girlfriend ay nakasakay sa jeep. 

Makikita rin sa kanyang kanang balikat ay nakasandal rin ang kanyang girlfriend na natutulog. Mas kinaaliwan naman ang kanyang post dahil sa kanyang pabirong caption na:

"Ate gumising ka na pag nagising 'tong girlfriend ko yari tayo."

Hindi naman niya ginising ang pasahero at noong magising ang kanyang girlfriend ay natawa na lang daw ito sa kanyang naging reaksyon. 

Komento naman ng kanyang girlfriend,

"Ngayon lang yan, wala ng susunod. Pasalamat si ate mas naisip ko baka galing siyang work kaya nakatulog siya sa balikat mo. Kasi mukhang pagod na pagod na siya."

Noong nagising naman daw ang pasahero ay nagulat na lang siya dahil nakatingin na rin ang girlfriend ni Falcis sa kanya at dali-dali itong lumayo dahil sa hiya. 

Samantala, nag-aabang naman ang ilang mga netizens sa kung anong nangyari sumunod. At ang iba pa nga ay nanghihingi ng reaction video tungkol dito. 

"Paki vlog naman po kung anong sunod na nangyari," wika ng isang netizen.

Marami ang natuwa sa naging karanasan ni Falcis dahil maaaring ang iba ay mayroong ganito ring karanasan at nakarelate sila. Maaaring sila ang napasandal sa ibang pasahero o sila ang nasandalan ng iba. 

Source: Facebook

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!