Kwarto Na Hinango Sa Facebook Theme, Patok Sa Mga Netizens



Kanya-kanya tayo ay may taste pagdating sa disenyo ng ating bahay. At maging sa mga kwarto natin minsan ay ibinabase natin ito sa ating personality. Minsan ay hinahango natin ang ating room design base sa kung ano ang mga hilig natin o mga bagay na pabor sa ating kagustuhan.

Katulad na lamang ng isang kwartong ito na nagviral sa social media dahil sa kakaibang tema.

Ibinahagi ng netizen na si Edgar Torres Jr. sa kanyang social media account ang kanyang kwarto na may Facebook theme. At hindi lamang basta basta ang kanyang ginawang disenyo kundi sa pagpasok pa lang sa pintuan ay mapaghahalata na ang pagmamahal niya sa Facebook.

Ang pintuan ng kanyang silid ay mayroong parang isang malaking screen ng log-in page. 

Nang ibinahagi niya ito ay nilagyan niya ng caption na, "Asan na naman ang kuya mo? ANDUN PO NAGPE-PEYSBUK! #social mediaroom #online247." 



Dagdag pa niya, "MapapaON ka talaga ng data at wifi pagpasok sa room ko."

Pagkapasok ay mapapahanga ka sa husay ng ideya ng pagkakadisenyo dahil ginawa niyang tila isang malaking newsfeed ang mga dingding ng kanyang kwarto. Mayroong ding bahagi na screen ng FB messenger na kung saan mga pangalan ng artista tulad nila Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Sarah Geronimo at Gordon Ramsay ang kunwari niyang ka-chat. 



Sa may uluhan ng kanyang kama ay mayroon ding isang nakakatuwang malaking poster na iniligay na hinango sa theme ng Netflix at pinalitan niya ito ng "Ngekflix" na ikinatuwa ng mga netizens.

Maging ang bedsheet sa kanyang kama ay hango sa kulay ng Facebook at dinagdagan pa niya ito ng mga unan na mga emojis. Pati ang kanyang desktop computer, AVR, cabinet at basurahan ay mayroon ding touches ng Facebook. 

Caption naman niya sa kanyang electric fan na may diamond na badge ay, "My Top Fan. Thank you for always comforting me." 

Napahanga naman ang mga netizens sa pagiging unique ni Torres at sinabi na maganda ang kanyang naging konsepto. Narito ang ilang mga nakakatuwang komento:

"Parang literal na nilamon ng social media hahaha lupet dre!

"Sobrang hanga ako sa kagalingan mo!"

"Ang astig naman ng room mo. And taba talaga ng utak!"

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Silipin ang Napakalaking Bahay ni Pokwang sa Antipolo