Mabait Na Guro Nagboluntaryo Na Alagaan Muna Ang Baby Ng Kanyang Estudyanteng Teenage Mom Upang Siya Ay Makapag-exam


Marami sa mga kabataan ngayon ang nabubuntis ng maaga. Dahil maaga rin silang nagkaroon ng responsibilidad bilang maging isang magulang ay hindi ito madali sa kanila lalo na't kung sila ay nag-aaral pa. 

Marahil, ang ilang mga teen moms ay pinagpapaliban na lang muna ang pag-aaral dahil na rin sa nahihiya silang makutya ng kanilang mga kaklase o ibang tao. Mayroon pa rin naman na pursigido pa ring makapag-tapos ng pag-aaral kahit na sila ay mayroon ng inaalagaang anak.

Isang mabait na guro na taga Butuan City ang nagviral matapos niyang pinayagan na dalhin ng kanyang estudyanteng teenage mom ang kanyang baby sa eskwelahan. 

Ang kanyang Grade 12 na batang ina na estudyante ay nanghihingi sana ng excuse na kung pwede ay ipagpaliban muna niya ang kanilang pagsusulit sa araw na iyon dahil wala siyang mapag-iiwanan ng kanyang anak na sanggol.

Ngunit sinabi ng teacher na nakilala bilang si Teacher Clariz Jane Lasala ay dalhin na lamang niya ang kanyang anak sa klase upang siya ay makapag-exam at huwag nang umabsent sa araw na iyon. 

Humanga ang guro sa kanyang estudyante dahil sa determinasyon nitong makapag-tapos ng pag-aaral kahit na siya ay nabuntis ng maaga. At para makapag-test ng maayos ang kanyang estudyante ay nagpresinta ang mabuting guro na siya na muna ang mag-alaga ng baby ng kanyang estudyanteng batang ina. 

Pinuri at hinangaan din naman ng mga netizens ang guro dahil sa pagiging mabait at sa malasakit nito. Tiyak na tatatak sa puso ng kanyang mga estudyante ang kabutihang asal na kanyang ipinakita. 

Narito ang mga komento ng ilang mga netizens:

"What a beautiful heart you got. I'm always proud of you."

"You're gonna be great mom someday!"

"I pray that someday when you get married and become pregnant, may God bless you good health, successful pregnancy and healthy baby."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda