"Manananggal" Na Manika Na Gawa Sa Naga, Patok Sa Mga Netizens



Malapit na naman ang Halloween at uso na naman ang mga takutan, costume parties, at mga kwentong kababalaghan. Tayong mga Pilipino ay mayaman rin tayo sa folklore, o ang mga paniniwala sa mga iba't ibang uri ng mga nilalang tulad ng aswang, engkanto, tikbalang at manananggal.

Maaaring wala talagang tiyak na makakapagsabi kung totoo nga ba ang mga ito o haka-haka lang. Ngunit dahil nakagisnan na natin ang mga kwentong ito ay naging parte na rin ito sa ating buhay Pilipino. Tiyak na wala yatang Pilipino ang hindi nakakaalam sa mga nilalang na ito. 

Isang social enterprise na Karaw Craftventures mula sa Naga ay nakaisip ng kakaibang likha base sa mga nilalang na pinaniniwalaan ng mga Pinoy. Ang business na ito ay nagte-train ng mga taong kapuspalad upang makapaghanap buhay, kasama na rin dito ang mga Naga inmates at mga ina sa mga malalayong baryo. 

At isa sa kanilang mga likha ay ang 'manananggal' na stuffed toy na mula sa kanilang Engkanture collection na mayroong higit sa 12 na disenyo na inspired sa Filipino folklore ng buong Pilipinas. 

Nagviral ang stuffed toy na ito matapos itong ipost ng dalawang netizens na sina Marco Lopez at Ed Geronia sa kanilang Facebook.

Makikita kasi ang uniqueness ng stuffed toy na hinango nga sa 'manananggal' na kung saan mayroon itong mga pangil, pakpak at ang katawan mismo ng manika ay nahihiwalay sa mga paa. Kaya naman tinawag rin itong "MananangDOLL."

Mayroong pang ibang mga manika sa koleksyong ito tulad ni Bungisngis ang cyclops, Daligmata ang halimaw na maraming mata, Oryol ang babaeng mukhang ahas at kung ano-ano pa. Ngunit imbes na katakot-takot ay ginawa nila itong cute kaya naman patok na patok sa mga netizens. 

Ipinagbibili naman ang nasabing 'mananaggal' doll sa halagang Php500 na tiyak na makakatulong sa mga taong kapuspalad na gumawa nito sa kanilang komunidad. 

Samantala, maraming netizens naman ang natuwa at nais na makabili ng cute na manikang ito dahil 'only in the Philippines' ika nga, lang ito matatagpuan.

Ikaw, gusto mo rin ba ng "MananangDOLL"?

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!