Marami Ang Nagsabik Sa Bagong Bukas Na Napakagandang Public Library Na Ito Sa Kalinga


Karamihan sa mga public library dito sa Pilipinas ay luma na. Dahil nga naman sa pag-usbong ng teknolohiya at internet, kakaunti na lamang ang mga estudyante o taong pumupunta sa mga silid aklatan na ito dahil karamihan nga naman sa mga impormasyon ay nakikita na sa isang click lamang sa internet. 

Ngunit, iba pa rin talaga ang experience na naihahatid ng mga pisikal na libro. Kaya naman para sa mga mag-aaral na mahilig magbasa ay isang good news ito dahil ang public library ng Rizal, Kalinga ay bagong bukas.

Ayon sa Facebook post ng Province of Kalinga, ang kanilang bagong bukas na library ay tinurn-over sa local government unit ng Rizal noong Oktubre 11, 2019 ng Gerda Henkel Foundation. 

Ang public library ay nasa loob ng eco-tourism center ng Rizal. 

Ayon kay Ms. Mylene Lising, isang archaeologist ng National Museum, ang mga tao roon ang naging inspirasyon nila upang maitayo ang nasabing silik-aklatan sa tulong ni Dr. Alfred Pawlik.



Makikita sa mga larawan na ipinost ang napakagandang bagong tayong building. Maging ang mga upuan at mesa ay bago rin. Mayroon ding itong computer room area na mayroong kumpletong computer units at high speed na internet. Kaya naman maganda itong lugar para sa mga estudyanteng nagre-research.

Makikita rin ang mga bagong bookshelves na napakaganda at naglalaman ng mga bagong libro na nagkakahalaga na Php2.1 milyon mula sa donasyon ng Gerda Henkel Foundation. 



Naglaan rin sila ng mga pambatang libro at kagamitan para sa kanilang kids corner na tiyak na mag-eenjoy ang mga bata na magbasa dahil makulay ang kapaligiran. 

Samantala, maraming netizens ang natuwa at nasabik sa magandang balitang ito lalo na't maraming mga estudyante ang makakagamit nito. Marami rin ang naghangad na sana ay magkaroon rin sila ng mga public library na ganito sa kanilang mga lugar. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa