Massive Damage ang Nangyari sa Star City Matapos Itong Matupok sa Apoy




Isa sa kilala at markadong theme park sa Metro Manila ang Star City. Maraming mga tao ang namamasyal rito lalo na sa panahon na nalalapit ang kapaskuhan. Ngunit ngayong ika dalawa ng Oktubre taong dalawang libo't labing siyam ay hindi inaasahan ang isang insidente kung saan tinupok ito ng apoy.

Ayon sa balita, nagsimula ang sunog ng 12:20 ng madaling araw kung saan nasa halos walongpung porsyento ng Star City ang apektado ng sunog. Kaya naman ngayong paparating ang pasko ay hindi na muna ito makakapagbukas dahil sa nangyaring trahedya. Bukod rito hindi lamang ang Star City ang apektado ng sunog dahil kahit ang kalapit nitong opisina ng radio at television network na Manila Broadcasting Company ay nadamay sa nangyaring sunog. Kabilang rito ang radio station na DZRH, Love radio, Yes the Best at Easy Rock. 




Ayon naman sa mga kumpanya na ito, huwag raw magalala ang mga taga pakinig dahil gagawin nila ang lahat upang mabilis rin itong bumalik sa pag-ere. 

Ayon naman sa spokesperson ng Star City na si Rudolph Jularbal muling magbubukas ang amusement park sa October 2020. Isang taon ang kakailanganing igugol na oras dahil halos ang kabuuan ng amusement park ay naapektuhan ng sunog. 


Tuluyang nawala ang malakas na apoy at makakapal na usok ng 4:30 ng Miyerkules kung saan halos labing apat na oras (14 hours) itong pinagtulungtulungan ng ating mga bumbero kung saan umabot ng 19 fire trucks ang na-dispatch upang mapatigil ang apoy.




Ayon sa Pasay City fire marshal Paul Sili nagsimula ang sunog sa isang stockroom ng mga plushies o stuffed toys at iba pang mga magkakaugnay na prizes hanggang sa kumalat agad ito sa ibang parte ng Star City.



Umabot ng mahigit 15 Million worth of properties ang nadamay dahil sa sunog at halos ng mga indoor rides ay tinupok ng apoy. Maaaring aabot sa mahigit sa 1 Billion pesos ang damage ng amusement park dahil sa insidente.


Kahit na ganoon ang nangyaring trahedya ay nagpapasalamat pa rin ang ilan dahil walang nadamay na mga empleyado at mga turista sa nangyaring sunog., at nasugatan sa nangyaring sunog.

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit