'Mega Star" Sharon Cuneta, Aminadong Nakaranas rin ng Diskriminasyon sa Isang Shop sa HongKong!




Aminin man natin at sa hindi, madalas ang nagiging batayan ng karamihan sa atin para kilalain sa unang tingin ang isang tao ay batay sa panlabas na anyo nito. Ilan na dito ang isltilo ng kanilang damit o di kaya naman ay kung papaano sila magsalita at kumilos. May mga pagkakataon na nagiging tama ang ating panghuhusga ngunit kadalasan ay nagkakamali tayo dahil sa totoo lang hindi naman talaga nakabatay sa panlabas na anyo ng isang tao ang tunay na pagkatao nito.

Ganoon pa man, hindi pa rin nawawala ang ganitong negatibong pag-uugali sa ating lipunan na walang pinipiling biktima, simpleng tao man o mga kilalang personalidad kagaya ng mga artista.


Isa na nga dito ang "Mega-Star" ng ating bansa na walang iba kundi si Sharon Cuneta- Pangilinan.

Sa isang interview niya sa evening show ng ABS-CBN na 'Tonight With Boy Abunda' ay ibinahagi ni Sharon ang hindi niya makakalimutang karanasan sa isang sikat na jewelry shop sa HongKong na "Cartier" kung saan siya ay nahusgahan batay sa kaniyang pisikal na kaanyuan.

Ayon sa aktres, nakasuot lamang ito ng simpleng damit kung saan isang representative ang nagpakita sakanya ng rude behavior.

"My outfit was very simple, shirt lang and jeans. I said, ‘Excuse me. I’m not finished yet!’ I was so angry, there was another sales rep who was very nice, and I ended up buying things I didn’t really need because I was so angry," pagbabahagi ng Mega Star.



Ganoon na lamang ang naging reaksiyon ni Sharon sa taong nagpakita ng negatibong pag-uugali sa kaniya dahil hindi lang ito ang unang beses na siya ay nakaranas ng diskriminasyon at ayaw niyang maulit pa ito sa iba lalo na sa kapwa niya Pilipino.

"I was so angry, ako galit ako kapag Pilipino ang inaapi," dagdag ni Sharon.


Matatandaang nauna nang nagbahagi ang kapwa niya singer at kaibigan na si Regine Velasquez patungkol sa naranasang diskriminasyon sa isang kilalang tindahan ng mga branded na sapatos sa Amerika.




Magkasamang na-interview ang dalawa sa nasabing show ni Boy Abunda para mai-promote ang kanilang nalalapit na Iconic concert. Gaganapin ang show na ito sa Smart Araneta Coliseum sa darating na Oktubre 18 at 19.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa