Mga Canteens Sa Paaralan Sa Quezon Hinangaan Dahil Sa Paggamit Ng Dahon Ng Saging Imbes Na Plastic



Padami na ng padami ang mga basura sa ating paligid at isa na sa mga ito ang plastic. Kaya naman kung mapapansin sa ibang mga establisyemento ngayon ay binabawasan na nila ang paggamit ng mga plastic na lalagyan at mga styrofoam. Ito kasi ay matagal bago matunaw at nakakasira na sa ating ozone layer. 

Ngunit gayunpaman, ay hindi pa talaga na-zero out ang paggamit ng mga plastic tulad plastic bags, straw, cups, at kung anu-ano pa. 

Pero ang mga canteen sa isang eskwelahan sa Lucena City ay pinuri dahil sa hindi na paggamit ng mga plastic at styro na lalagyan para sa kanilang mga ibinebentang pagkain. 

Ibinahagi ng netizen na si Pewee Bacuño ang mga larawan ng Quezon National High School dahil sa malikhaing paggamit na lamang ng mga manila paper at dahon ng saging para lalagyanan sa mga binebentang pagkain. 

Maging ang mga estudyante ay nagulat noong una dahil sa kakaibang pagkakaprepare ng pagkain pero sila naman ay humanga rito dahil sa wakas ay mababawasan na ang pagdami ng mga plastic na basura sa kanilang lugar. 

Ang mga 'student meals' ay nakalagay sa naka-cone shaped na dahon ng saging at binalutan ng manila paper upang hindi madaling matapon. Makikita na nasa bandang ilalim ang kanin at nakapatong naman ang ulam sa itaas. 

Sumatotal na 50 food stores ang nasa paligid ng eskwelahan, kaya naman malaki talaga ang impact nito sa kapaligiran kung lahat ay iniwasan nang gumamit ng plastic at sa halip ay dahon ng saging at papel na lamang ang kanilang gagamitin. 

Gumagamit rin ang mga canteen doon ng mga metal na kubyertos upang maiwasan rin ang paggamit ng mga disposable spoon and fork dahil malilinisan naman ito upang muling magamit. 

Kung ganito lang ang gagawin ng lahat ng mga food establishments sa buong Pilipinas, ay tiyak na mababawasan ang problema natin sa tambak tambak na basura.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Nanay Matapos Siyang Buhusan Ng Kaning Baboy Ng Kanyang Anak

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan