Naantig Ang Puso Ng Mga Netizens Sa Dalawang Batang Kalye Na Nagsasalo Sa Mumunting Pagkain Habang Nasa Lansangan


Madalas na sinasabi ng ating mga magulang na "huwag magsasayang ng pagkain dahil maraming bata ang walang makain at nagugutom." Sa bawat araw na mayroong pagkaing nakahapag sa ating hapag-kainan ay marapat na tayo ay magpasalamat. Dahil hindi lahat ay nakakain ng tatlong beses sa isang araw.

Mayroong mga tao at maging mga bata na tinitiis ang gutom sa buong araw dahil walang makain. Makikita ang ilan na nanlilimos upang may maipangbili ng kanilang pagkain, na kung minsan ay pinaghahatian pa ng kanilang pamilya.

Isang larawan na naibahagi ng netizen na si Keizl Necosia sa kanyang Facebook account ang umantig sa puso ng mga netizens. 

Makikita kasi ang dalawang batang lansangan na nagsasalo sa isang pagkaing naka-styro habang sila ay nasa tapat ng isang sikat na fastfood restaurant. Napag-alaman na ang lugar kung saan nakuha ang larawan ay sa Maasin City.

Ang dalawang bata ay nakitang namamalimos doon gamit ang tambol na kahoy at nagpahinga muna sa isang tabi upang kumain. Ang mas batang kapatid ay makikitang may hawak-hawak na isang chocolate drink.

Nilagyan naman ni Necosia ng caption na. "IF YOU CAN SHARE MEMES, TRY THIS ONE INSTEAD! A BROTHER'S LOVE."

Sa murang edad ng dalawang bata ay tila ang mas nakakatandang kapatid ang nag-aalaga sa kanyang mas batang kapatid at isinama habang sila ay nanlilimos. Na kung iisipin natin ay mapanganib ang kanilang sitwasyon dahil sila ay nasa lansangan. 

Maraming netizens naman ang naantig sa larawan ng dalawang bata at narito ang kanilang mga komento:

"Naiyak ako nung nakita ku tong pic na to nakakadurog ng puso. good kuya wag mo sanang pabayaan kapatid mo."

"Hindi lahat ng nakakita ng ganyan kahit konting food lang po. Hindi kabawasan sa mga natatanggap nating blessing. Kumpara natin ang life natin sa kanila."

"Swerte pako kesa sa kanila pero complain ako ng complain sa buhay ko."

"Sana naman matulungan sila at ang iba pang mga katulad nila. Mabigyan ng magandang edukasyon at mapaunlad pa ang sarili nila."

Sa ngayon ay umabot nang 71k shares ang larawan at nawa'y matulungan ang dalawang batang ito. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!