Namangha ang Guro at Kaklase ng Grade 11 Student na Ito Matapos Gayahin ang Sikat na Obra ni Vincent Van Gogh na “Starry Night”




Kamakailan ay nag-viral sa Social Media ang isang post ng silid aklatan na mayroong mural art sa mga pader ng silid na ito na singtulad ng isang kilala at sikat na painting art sa ibang bansa.

Napagalaman na ang painting sa loob ng silid aklatan na ito ay obra ng isang napakagaling na estudyante na kinilala bilang si Vincent Dwight Paulo.

Si Paulo ay kasalukyang Grade 11 STEM student sa paaralan sa Sto. Domingo National Trade School sa may Nueva Ecija.





Ang STEM ang tinaguriang strand ng mga matatalino sa Senior High School kung saan ang mga estudyante ay nakatuon lamang sa pag-aaral ng Science at Mathematics. Subalit pinatunayan ng isang estudyante na Paulo na mayroon rin silang kakayahan sa ibang sining hindi lamang sa Science at Math dahil kamakailan lamang ay ipinamalas niya ang kaniyang galint at talento sa Arts.


Ipininta ni Paulo ang sikat na obra ni Vincent Van Gogh na "The Starry Night" sa pader ng kanilang classroom kung saan ginawa niya canvas ang apat na pader ng kanilang silid aralan. Kuhang-kuha at gayang gaya ni Paulo ang obra ng sikat na painting art na ito kaya naman napahanga niya ang kaniyang mga teachers at kaklase sa pagtapos sa kaniyang proyekto.




Nais patunayan ni Paulo na ang mga estudyanteng katulad niya may kakayahan rin at talento sa iba’t-ibang sining kaya naman pinaghusayan niya ang pagpipinta nito. Gayunman, ayon rito, siya man ang naging punong abala ay hindi raw nito mapagtatagumpayan ang proyekto kung hindi dahil sa suporta ng kanilang guro na si Bb. Gracie Ann Dy at sa tulong ng kanyang mga kaklase. 



Ang mga taong nakakita naman sa mga litratong nai-post sa social media ay labis na napahanga at naisambit nila na sana raw ay lahat ng mga estudyante sa mga paaralan ay may pagtutulungan, tulad nang naipakita ni Paulo at ng kanyang mga kaklase, upang lahat ng mga silid aralan sa iba’t-ibang paaralan ay mapaganda rin katulad ng sa kanila.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa