Namangha Ang Mga Netizens Sa Malinis Na Tubig Baha Sa Japan


Karaniwan na rito sa Pilipinas na kapag nakakaranas tayo ng maulan na panahon o di kaya ay pagbagyo ay binabaha rin ang ilang mga lugar sa ating bansa. Minsan nga kahit kakaunting ulan lang ay agad nang may naiipon na tubig sa mga kalsada.

At kasabay nitong pagbaha na ito ay ang mga palutang lutang rin na basura at napakabahong tubig. Na siya namang nakakapagdulot ng iba't ibang klase ng mga sak!t tulad na lamang ng lept0spirosis.

Nitong mga araw lamang ay nakaranas ang bansang Japan ng matinding pagbagyo sa kanilang bansa  na tinawag nilang "Hagibis" at kasabay rin nito ang pagbaha sa ilang mga kalsada at maging ang ilang bahay ay napasukan na rin ng tubig baha. 

Isang netizen na nakilala bilang si Yuttana Wangmun ang nagbahagi ng larawan sa isang Facebook page na kung saan ipinakita ang napakalinis na tubig baha sa isang street sa Japan. At nilagyan niya ito ng caption na, "Flooding in Japan is very clean."

Makikita sa larawan kahit mataas na ang tubig sa kalsada ay wala kang makikitang inaanod na mga plastic o basura na kagaya nang nararanasan natin dito sa Pilipinas kapag mayroong baha. 

Bukod sa pag-aalala ng mga netizens tungkol sa mga tao roon ay hindi rin naman napigilan ng ilan na mamangha at ang ilan ay nakumpara na rin ito sa Pilipinas. Narito ang ilang mga komento ng mga netizens.

"Japan is known to be on of the cleanest country because of how disciplined Japanese are, even their canals was being used to pet their Koi fish on it."

"Wow naman, ang linis ng baha nila."

"Kahit baha walang mga pakalat kalat na mga basura. Madaling humupa after typhoon, malinis ang kalsada walang kabasu-basura."

"Kaibahan sa Pinas, kapag bumaha basura ang nasa ibabaw."

"Linis ng tubig baha sa bansang Japan. Kung sa Pinas yan tiyak putik na dami pa basurang nakalutang."

Source: Facebook

Comments

  1. ibig sabihin hindi ka pa bumibisita sa Maynila lately.. Kaya mo nasasabi yan.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

Dating Pulubi, Nagtapos ngayon ng Valedictorian at Nakatanggap ng Scholarship sa Australia

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya