Nasaksihan Ng Isang Netizen Ang Kabutihang Ipinakita Ng Mga Fastfood Crew Na Ito Sa Isang Matanda Na Kulang Ang Perang Pangkain



Sa panahon ngayon, mayroon pa rin talagang mga taong may busilak ang puso. Iyong mga taong handang magbigay at tumulong sa kanilang mga kapwa na nangangailangan. 

Nasaksihan ng netizen na si Marold Aquino Anido ang pagtulong ng dalawang crew ng isang  sikat na fastfood chain sa isang matandang pumasok sa kanilang store at kulang ang perang pambili ng pagkain.

Kwento ng netizen na habang kumakain sila sa Jollibee Crossing sa Calamba ay nakita niya ang isang matanda. Pinagmasdan niya ito at tila kakagaling lang nito sa palengke dahil mayroon itong dalang gulay na nakaplastic.

Noong pumasok ang matanda ay tumitingin ito sa menu at mukhang nag-iisip kung ano ang kakainin niya. At noong makapagdesisyon ay nilapitan raw niya ang nagkukumpulang mga crew at saka inaabot ang bente pesos na hawak niya. 

Ngunit walang tumanggap ng perang kanyang inaabot, sa halip ay mayroong isang babaeng crew na nag-assist sa matanda at pinaupo sa isang table. Habang andoon ay pilit niyang iniaabot sa mga dumaraang crew ang bente pesos ngunit hindi siya pinapansin.

Noong aktong paalis na sana ang matanda ay nasaksihan ng netizen na mayroong dalawang crew na lumapit  na mayroong dalang burgersteak, iced tea at tubig at ibinigay ito sa matanda. At nakita sa ang ngiti sa mga labi ng matanda.


Ngunit pilit pa rin niyang inaabot ang bente na binabayad sana niya ngunit hindi pa rin ito tinanggap at pinarating na sagot na nila ang pagkain niya.

Humanga si Anido sa kabutihang loob na ipinakita ng dalawang crew. Aniya, humihingi siya ng pasensya at hindi siya nakapag-paalam sa dalawang crew para ipost ang kanilang larawan sa internet. Pero gusto lang talaga niyang i-share dahil nakapabait ng dalawa.

Dagdag niya sa huli, "Thank you Jollibee Crossing, Calamba for these wonderful act. I know it won't change the world pero little deeds like this makes it a better place. We need more people like you guys."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!