Netizen na Nakapagtapos ng Education, Minamaliit Dahil mas Pinili Niyang Magtrabaho na Lamang sa Jollibee!




Marami sa ating mga kababayan ang gustong makapagtapos ng kolehiyo ngunit hindi lahat sa kanila ay gusto ang kanilang napiling kurso o di kaya naman ay hindi ito ang nagiging trabaho nila pagkatapos ng pag-aaral. Sadyang hindi natin hawak ang ating hinaharap kaya naman may mga pagkakataon at pangyayari sa ating buhay na nakakapagbago ng ating mga desisyon at pinipiling tahaking daan. 


Sa kabila ng katotohanang ito, marami pa rin sa ating kababayan ang mabilis na nahuhusgahan sa kanilang piniling karera sa buhay lalo na kung hindi ito tugma sa kanilang napag-aralan sa kolehiyo. 

Isa na nga dito ang netizen na si Paul Lea “Pauline” Isabelo at pinili niyang gamitin ang social media para ipahayag ang kaniyang saloobin sa mga taong mapanghusga sa mga kagaya niyang iba ang naging trabaho kaysa sa piniling kurso sa kolehiyo.




Nagtapos si Pauline ng degree in Bachelor of Secondary Education, Major in English mula sa paaralan ng Polytechnic Univeristy of the Philippines (PUP) sa Binan Laguna. Maganda ang kaniyang tinapos na kurso ngunit hindi kagaya ng kaniyang mga kaklase na naging guro pagkatapos ng kolehiyo, pinili niyang magtrabaho sa isang fastfood restaurant – ang Jollibee. 

Manager siya sa isang branch ng Jollibee at aminadong masaya siya sa kaniyang ginagawa kahit na ito ay mahirap at mabusisi. Ngunit sa kabila nito ay mayroon paring mga tao ang hindi mapigilang punain ang kaniyang buhay at manghinayang sa kaniyang kalagayan.


“Sayang pinag-aralan mo, di mo napapractice profession mo!" ito ang mga salitang madalas marinig ni Pauline mula sa ibang tao. 

Kaya naman nagdesisyon siyang basagin ang kaniyang katahimikan at minsanang ipahayag ang kaniyang saloobin patungkol sa ganitong usapin sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post. 

Narito ang ilan sa kaniyang mga naging pahayag: 



"I’m posting this not to brag, but to remind everyone that not because someone took the other way it means sayang na yung pinag-aralan. Mas sayang yung nagtapos ka ng pag-aaral pero mas pinili mo maging tambay. At mas sayang din yung nagttrabaho ka pero di ka naman talaga masaya sa ginagawa mo.Stop putting into someone’s mind na sayang ang pinag-aralan kapag hindi mo napapractice ang profession mo, but instead, tell them to do what they really want and love. Hindi ba pedeng suportahan nalang?".


Ipinaliwanag niya rin na ang pagiging guro ay maari niyang magamit sa kasalukuyang trabaho bilang manager lalo na at marami siyang hinahawakang tao. Binigyang diin niya rin ang katotohanan na lahat tayo ay guro sa iba't ibang kapamaraanan. 

"Besides, lahat naman tayo teacher. Maybe not in profession but in action. A mother teaching her child with his/her first word. A father guiding his child what is right and wrong. A friend helping and cheering you. You, believing in yourself." 


Hindi man siya nagsusuot ng uniporme bilang isang guro at nagtuturo sa loob ng silid-aralan, nakapagbigay naman sa atin si Pauline ng aral patungkol sa realidad ng buhay. 

Ikaw, masaya ka ba sa trabaho mo ngayon o ginagawa mo lang iyan dahil yan ang tinapos mong propesyon?

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda