Netizens, May Balak Na Lang Magtinda Ng Siomai Dahil Sa Karatula na "Wanted Siomai Vendor, Salary 15k/Mo."



Hindi lahat ng mga nagtatrabaho sa opisina ay malaki ang sahod o kita kada buwan. Oo nga't maganda ang porma dahil naka-pormal ang postura ngunit ang totoo, ang sweldo ay napakaliit lang. Minsan nga ito ay kulang pa para sa mga gastusin at bayarin. 

Hindi ka nga yayaman sa pagiging isang empleyado lang, kaya't minsan ang iba ay kailangan pang mag-double job o mag-sideline business para lamang may pandagdag sa kita. 

Pero dahil sa post na ito na ibinahagi ng netizen na si Keydee Buenaventura ay tila naging interesado ang mga netizens na magtinda na lang ng siomai.

Makikita kasi sa karatula na nakasabit sa isang cart ng nagtitinda ng siomai ay naghahanap siya ng siomai vendor at ang nakakagulat pa ay ang alok nitong salary ay 15,000 pesos kada buwan!

Kung iisipin, ang Php15,000 na sahod kada buwan ay parang sahod na ng isang regular na empleyado sa isang kumpanya na nakatali pa sa 8 na oras sa trabaho. 

Kaya naman noong nakita ito ni Keydee ay naglagay siya ng caption na, "Ma, magtitinda na lang ako ng siomai."

Marami ring netizens ang naging interesado rito at nagdadalawang isip na applyan na lang ang alok na trabahong ito. 

Para sa ilan, ang salita na "vendor o tindero" ay tingin sa kanila ay mababa. Ngunit saad ng isang netizen na, "Daming nagmamaliit. In fact sa business lang talaga yumayaman. Mostly walang yumayaman ng nagtatrabaho per hour."

Kinompute naman ng mga netizens na kung Php15,000 a month ang sweldo na alok para magtinda ng siomai ay parang Php500 ang kada araw ng tindero. "Not bad" ika nga. At ang naisip pa ng mga netizens ay hindi ka naman siguro buong araw magtitinda, sa katunayan ay maaaring gawing sideline rin ito. 

Ayon nga sa isang kasabihan, "It is better to be an employer than to compete for employment."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class