Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San




Kamakailan ay inihanda nina Jinkee Pacquiao at ng kaniyang kakambal na kapatid na si Janet Jamora ang bonggang birthday celebration para sa kanilang Ama.

Magkatuwang nilang pinaghandaan ang magarbong sorpresa at pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang ama sa probinsiya ng General Santos City. Ginanap ang celebrasyong ito sa kauna-unahang mansyon na naipundar ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.


Makikita sa mga larawan at Instagram stories na ibinahagi ng kambal ang ilan sa mga kaganapan ng nasabing celebrasyon na dinaluhan rin ng buong pamilya at ilan pang malalapit na kaibigan. 




Sa Instagram post ni Jinkee Pacquiao ay ibinahagi niya ang loob ng kanilang mansyon kasama ang pamilya at mga kaibigan. Habang sa Instagram stories naman ni Janet ay ibinahagi nito ang araw ng mismong celebrasyon ng kaarawan ng kanilang ama kung saan makikita na nakaayos ng maigi ang mga mesa at upuan na nakapalibot sa gilid ng kanilang swimming pool.




Samantala, makikita rin na nagkaroon ng salu-salo ang pamilya kasam ang mga anak sa isang long-table na iniilawan ng mamahaling 'chandelier' sa kanilang mansyon.


Hindi rin nawala sa pagdiriwang ang masasarap na pagkaing nakahain sa mesa na mas lalo pang pinasarap ng usapan at kulitan ng mag-anak. Naging matagumpay ang plano ng kambal at kitang-kita sa mga ngiti ng kanilang ama kung gaano ito kasaya sa kaniyang espesyal na kaarawan.


Hanggang ngayon ay bumibisita pa rin sina Manny at Jinkee sa kanilang hometown sa General Santos City at hindi pa rin nila nalilimutan ang kanilang mga naiwang kamag-anak at kaibigan doon kaya naman dito nila napili na mag-celebrate ng kaarawan ng kanilang Ama.



Talaga ngang bongga ang lifestyle ng Pamilya Pacquaio kaya naman kayang kaya nilang ibigay sa kanilang mga magulang ang buhay na pinapangarap lamang nila noon. Isang pagpapatunay lamang nito na mataas pa rin ang respeto nina Manny at Jinkee sa kanilang mga magulang at ibinibigay nila ngayon ang lahat ng kanilang gusto.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa