Pinay Kumikita Ng 7 Digits Kada Buwan At Nakapagpatayo Ng Sariling Bahay Dahil Sa Pag-oonline Selling



Marami ang naghahangad na magkaroon na lamang ng kanilang sariling negosyo at mag-work from home. Ngunit hindi lang basta basta ang kailangan rito, ito ay kailangan ng mahabang pasensya at tiyaga. 

Katulad na lamang ng isang Pinay online seller na naging successful sa kanyang business dahil sa kanyang pag-oonline selling. 

Nakilala ang babae bilang si Madel Delos Santos o mas kilala bilang 'Ledam.' Hindi lamang siya basta ordinaryong online seller dahil kada buwan ay kumikita na siya ng 7 digits. At bahagi niya na kumita siya ng isang milyon sa isang gabi lang dahil sa pagtitinda sa online.

Katulad ng ibang mga small time businesses ay nagsimula lamang siya sa maliit na kapital na Php4,000. Naging advantage naman sa kanyang ang pagtatrabaho niya sa Japan dahil ang mga produktong binibili niya sa Pilipinas ay naiba-buy and sell niya sa ibang bansa.

At ang nakakatuwa pa rito ay parang times four pa ang kanyang kita rito. Ginawa niyang halimbawa ang isang bag na nagkakahalaga ng Php250 rito sa Pilipinas, at kung naibenta niya ito sa Japan ay maibebenta niya ito sa halagang Php1,000.

Noong kumita na siya mula sa maliit niyang kapital ay pinaikot lamang niya ang kanyang pera at dinagdagan pa ang kanyang kapital upang makapamili at makapagbenta muli ng iba't iba pang mga gamit. 

Pumatok naman ang kanyang pag-oonline selling hanggang umuwi na lang siya sa Pilipinas at naging home-based na lang siya dahil kumikita naman ang kanyang negosyo. Dahil rito ay nakapagpatayo na rin sila ng kanilang bahay at maging ang asawa niya ay nagresign na sa pagtatrabaho upang tumulong na lang sa kanilang negosyo dahil palaki na ng palaki ito.

Sa ating digital world ngayon ay mas patok na nga ang online shopping dahil mas convenient ito at mas madaling makapamili lalo na't iki-click mo na lang sa iyong cellphone ang nais mong bilhin. Kaya naman hindi nakakapagtaka dahil na rin sa kasipagan at dedikasyon ni Ledam kaya umusbong ang kanyang negosyo. 

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay