Planong Ibalik ni Mayor Isko Moreno ang Nutribun at Gatas sa mga Paaralan ng Maynila Para Magkaroon ng Tamang Nutrisyon ang mga Bata




Simula't sapul ay kahirapan na ang nagiging dahilan upang hindi makakain ng wasto ang ilan sa ating mga kababayan lalo na yaong mga bata na wala pang ka-muwang muwang. 

Karamihan nga sa kanila ay pumapasok sa paaralan ng walang laman ang tiyan dahil kapos sila sa pambili ng pagkain o baon sa eskwelahan.

Sa kabutihang palad ay nakaisip ng paraan ang gobyerno kung papaano ito mabibigyan ng solusyon. 

Noong taong 1970's sa pamumuno ni dating Pangulong Marcos ay nag-umpisa ang programa para masugpo ang malnutrition at ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng nutribun, isang uri ng tinapay na mayroong sapat na bitamina para matulungan ang tamang paglaki ng mga bata. Ibinibigay ito kasabay ng gatas sa bawat bata bago pa man mag-umpisa ang kanilang klase. Naging matagumpay ang nasabing programa at itinigil ito noong taong 1980's dahil wala ng bata ang nakakaranas ng malnutrition.




Sa kasalukuyang panahon ay nais itong ibalik ng Mayor ng Maynila na si Isko Moreno dahil batid niyang kailangan ito ng mga bata sa kaniyang hinahawakang lungsod lalong-lalo na sa lugar Tondo. 


“Marami sa mga mag-aaral natin na pumapasok sa paaralan na walang laman ang tiyan at gutom, dala na rin siguro ng hirap ng buhay. Alam ko po ang pakiramdam na iyon sapagkat isa rin po ako sa mga batang pumapasok na walang laman ang tiyan. Kaya po ang pangarap natin sa lungsod ng Maynila ay maibalik ang Nutribun at gatas sa loob ng paaralan," pahayag ng Mayor.
 

Plano ni Mayor Isko na umpisan ang 'feeding program" na ito sa lahat ng paaralan ng elementarya sa Maynila magmula Grade 1 hanggang Grade 6. Layunin niyang mabigyan ng tamang nutrisyon ang bawat estudyante bago mag-umpisa ang klase nang sa ganoon ay maging alerto ang mga ito. Nais rin niyang masugpo ang kahirapan sa nasasakupang lugar kaya naman nakatuon siya sa pagsisigurong maaabot ng mga bata ang kanilang mga pangarap sa buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na pangangatawan at magandang edukasyon.




Maraming netizens ang natuwa sa planong ito ng Mayor at ang iba ay iminungkahing sana ay gawin din ito sa lahat ng paaralan sa buong bansa lalong-lalo na sa mga liblib na lugar.

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit