Viral: Lalaki Na Nanawagan Dahil Sa Nawawala Niyang Tenga Sa Larawan



Dahil sa pagiging advance ng teknolohiya ngayon, maging ang mga photos o larawan ay nama-manipulate na rin. Kahit sa cellphone lamang ay mayroon na ring mga available at easy-to-use na applications upang makapag-edit ng mga larawan.

Pero minsan dahil sa kagustuhang ma-enhance lalo ang larawan, ay napapasobra na ito. Kaya naman ang nangyayari ay napaghahalatang napakaraming edits ang nangyari.

Ibinahagi ng netizen na si Hassim Elias Aragasi sa kanyang Facebook post ang kanyang passport size picture na kinuhanan sa isang studio. Ngunit kung pagmamasdang mabuti, ang isang tenga ng lalaki ay nawawala sa letrato. Ito ang kanyang naging caption:

"Shout out po sa isang photo studio dito sa Cotabato, pakibalik po yung TENGA ko. As fas as I remember, pagpasok ko po sa studio kompleto pa tenga ko! Ginawa niyo naman akong PWD. Pisti!"

Nang ibinahagi ito ni Aragasi ay maraming netizen ang natawa kaya naman ito agad nag-viral sa social media.

Biro ng isang netizen, "Baka mura lang tapos humingi ka pa ng tawad kaya nag ka ganyan. haha."

Hindi naman na binanggit kung saang photo studio siya nagpaletrato. Ngunit mukha namang inulit na lang ang pagkakaedit at pagprint dahil ipinakita rin ni Aragasi ang isang ID picture na kung saan andoon na ang kanyang isang tenga.

Narito ang nakakatuwang comments ng mga netizen.

"This photo made my day."

"Hala baka nagka ubusan na ng tenga ng baboy kaya tenga mo na lang ang ginawang sisig."

"Haha pa tulfo mo at nang hindi na magawa sa iba."

"Pero pre mali talaga ginawa sa tenga mo. Dapat naman sana pantay. Inalis din yung isa."

Kaya naman isang paalala lang sa mga nagpapa-picture sa mga photo studio na icheck muna nang mabuti ang inyong mga pictures bago kayo umalis upang matiyak na tama ang mga pictures na kanilang dinevelop at ibinigay sa inyo.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa