Walang Puhunan Pero May Kita: Tuyong Dahon Ng Talisay Naibebenta Sa Online Ng Tig 49Php!


Iba talaga ang convenience na nagagawa ng online shopping. Hindi mo na kailangan pang lumayo at mamasahe upang makabili lang ng kakailanganin mo. Gamit lang ang iyong computer o cellphone ay sa isang pindot lang ay mabibili mo na ang nais mo at idedeliver pa ito door-to-door.

Isang babaeng nakilalang si Kerwin Anne Reyes ang na-feature sa iJuander ng GMA Public Affairs sa Youtube Channel dahil sa pagbebenta ng mga sunbaked talisay leaves catappa o mas kilala bilang pinatuyong dahon ng talisay.

Kwento ni Reyes na nakita na lang niya isang araw na mayroong taong nagtanong sa kanya kung maaari ba itong mamulot ng mga nalaglag na dahon ng kanilang talisay tree sa harapan ng kanilang bahay. 

Sa pagtataka niya ay tinanong ni Reyes kung para saan nila ito gagamitin, at doon na napag-alaman niya na gagamitin daw ang mga tuyong dahon para sa aquarium.

Doon nagsimulang mag-research si Reyes kung para saan nga ba ginagamit ang mga tuyong dahon na ito na dati naman ay hindi nila ito pinapansin. At nalaman niya na mayroon nga talagang mga nagbebenta sa online sites sa mga pinatuyong dahon ng talisay. 


Kaya naman bilang isang online seller ay sinubukan niya ring magbenta ng mga dahon na ito at ang nakaka-bilib pa ay mayroon ngang mga taong bumibili ng mga ito sa kanya. 

Ginagamit daw ng mga fish breeders ang tuyong dahon ng talisay sa pagpapalaki ng mga betta fish o mga Siamese fighting fish na nagkakahalagang Php80- Php3,000 kada isda. Nakakatulong daw kasi ito sa fertility at sa paggam0t ng mga sugat ng mga isdang ito.

Ang ginagawa ni Reyes kapag mayroong umoorder sa kanya ay pupulot lang siya ng dahon at ibinibilad niya ito upang mas lalong matuyo. Pagkatapos ay ipapa-ship na niya ito sa buyer. Ang bawat 10 piraso ng dahon ay nagkakahalagang Php49!

Isang malaking biyaya para sa kanya ang punong iyon dahil nakapag-negosyo siya ng walang puhunan. Ayon sa kanya, ipagpapatuloy lang niya ang pagbebenta niya ng mga tuyong dahon ng talisay hangga't naroroon ang puno sa kanilang bakuran.

Source: Youtube

Comments

  1. Replies

    1. Saan nmn po ibibinta yan?

      Delete
    2. Ibigay ko nalang po libre makalat dto madami yan. Reply agad at puputulin ko na po

      Delete
  2. Kung nakakadagdag ng "fertility" ay baka puede na rin lagyan ang mga Fishponds or Aquaculture dito sa Phil. Magtanim na lang ng Talisay iyong mga malapit sa dagat. Dagdag na rin na income. AURAPHIL thanks for sharing. GOD bless!

    ReplyDelete
  3. San po ibebenta marami po dito sa min sinosunog lang namin di namin alam may halaga pala yun..

    ReplyDelete
  4. Saan po pwede magbinta meron po kc kmi tanim

    ReplyDelete
  5. Saan po pweedeng ibenta ang mga dahon?

    ReplyDelete
  6. may puno rin kami ng talisay baka naman po may gustong bumili . .

    ReplyDelete
  7. Bkt walang reply ung nagpost..

    ReplyDelete
  8. cno po gusto bumuli m talisay tree kc kami.

    ReplyDelete
  9. Ay oo my son also put dried talisay leaves in a big basin where he breeds fish..actually any fish cguro,not only beta or fighting fish.But my idea is..kaya cguro it helps in fertility of fish kasi it turns the water yo dark brown so di sla nasi-stress kasi madilim

    ReplyDelete
    Replies
    1. Cnu Po Ang Gusto bumili mayron Po kami Dito pm na lngsa may gustong bumili

      Delete
  10. MARAMI PO KAMING GANYAN DITO ILANG SAKO ANG GUSTO NYU ?

    ReplyDelete
  11. Sino po ang bumibili marami po kmi dto

    ReplyDelete
  12. We have dry leaves, pede po namin ibenta

    ReplyDelete
  13. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  14. bt walang sagot madami na ang nagtatanong san ibibinta or sino ang bibili...

    ReplyDelete
  15. marami pono dto sa amin talisay san po pwedi ibenta..

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa