Grupo Ng Mga Estudyante Tinulungan Ang Isang Lolo Na Magpulot Ng Bigas Na Natapon Sa Kalsada

Ang pagtulong sa kapwa ay wala dapat pinipiling tao o oras. Kapag kailangan ng kapwa mo ang iyong tulong ay dapat na handa kang ibigay ito ng taos puso. Minsan kung sino pa ang mga bata ay sila pa ang nagiging mabuting ehemplo dito sa ating lipunan. Ang isang grupo ng mga babaeng atleta ng Altavas National School sa Aklan ay hinangaan dahil sa pagtulong diumano sa isang matandang lalaki na namumulot ng mga butil ng bigas sa kalsada. Kwento ng isang estudyante na nakilala bilang si Harieth Pacis na pauwi na raw sila noon galing sa isang game sa Malinao. Nang nasa may bandang Lezo sila ay napahinto sila dahil mayroong silang nakitang isang matandang lalaki na nagpupulot ng bigas sa kalsada. Maraming mga tao ang dumadaan ngunit wala ni isang nagkusang tumulong sa matanda. Noong masaksihan nila iyon ay naiiyak na lamang sila awa. Kaya naman pinahinto nila ang kanilang jeep na sinasakyan at silang lahat ay tinulungan ang matanda na pulutin ang mga nagkalat na