75 Years Old na Senior Citizen, Nagtratrabaho Pa rin sa Isang Fast Food Restaurant sa Maynila




Maraming mga netizens ang napukaw ang damdamin noong nakita nila and isang senior citizen na nag tatrabaho sa isang sikat na fast food chain. Kamailan lamang, nilagdaan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang isang Memorandum of Agreement kasama ng iba't ibang mga sikat na fast food restaurants sa buong Maynila na mag bigay ng pantay na oportunidad para sa mga matatanda na kaya pang mag trabaho kahit na sila ay matanda na. 

Isang netizen na nag ngangalang Arlene Escalona ang nag bahagi sa social media ng isang larawan ng 75 year old na fast food crew na nag tatrabaho sa Legarda Bustillos Branch ng Jollibee. Ayon kay Arlene, kumakain siya ng tanghalian noong nakita niya ang isang matanda na nag tatrabaho bilang isa sa mga crew ng Jollibee. Natouch si Arlene sa kanyang nakita dahil may mga korporasyon na nag bibigay ng oportunidad sa mga matatandang kagaya niya.





Makikita sa kanyang social media ang isang nakangiting senior citizen na kalaunan ay nakilala bilang si Danny Marcos. Sobrang saya ng netizen na si Arlene nang makita niya na masaya ang senior citizen sa kanyang trabaho. Pinuri din ni Arlene si Mayor Isko Moreno dahil binigyan niya ng pag kakataon ang mga senior citizens ng equal na job opportunities. Pinasalamatan din niya ang mga nag lalakihang mga kumpanya na tumatanggap ng mga senior citizens at PWDs bilang kanilang mga empleyado. 

Ang viral na post ni Arlene ay umani ng maraming komento at reaksyon mula sa mga netizens. Dati, naging pamantayan na sa ating lipunan na ang mga indibidwal na may edad 60 at pataas ay kinakailangan ng mag retiro para mag pahinga. Ngunit may mga matatanda pa pala na kaya pang mag trabaho ngunit hindi nabibigyan ng pag kakataon dahil sa kanilang edad. Sana ay maging isang magandang ehemplo ito sa mga kumpanya sa buong bansa na ang mga senior citizens at PWDs ay may pag kakataon pang maging bahagi ng kanilang kumpanya. Isa itong magandang blessing na ipinapatupad sa siyudad ng Maynila sa ngayon!

Comments

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Isang Lalaki ang Successful sa Pagtanim ng Kauna-Unahang Puno ng APPLE sa Pilipinas!

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo