97 Taong Gulang na si Lola Pero Nagtitinda Parin ng Prutas at Gulay ng Mag-isa Upang may Makain Araw araw






Naantig ang damdamin ng maraming netizens matapos maibahagi sa social media ang istorya ng isang lola na nagtitinda ng mga prutas upang kumita ng pera para pambili ng kaniyang pagkain. Sa kabila ng edad ng matanda ay pinipilit nitong maghanap buhay upang may pangsuporta sa kanyang pangkain sa araw-araw.
Ayon sa nagbahagi ng istorya na si Samuel Lee, Ang Singaporean na lolo ay may edad na 97 taong gulang kung saan ito ay nag titinda ng mga mga prutas at gulay bilang kaniyang hanapbuhay. Ang matanda ay bumibili ng kanyang paninda sa Sheng Shion supermarket at kanyang itinitinda sa mas mataas na presyo upang kumita.



Sa kabila ng edad ni lola at pagkakaroon nito ng mahinang katawan, kasabay ng mahinang memorya ay patuloy itong nagtitinda tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo. Ang matanda ay nagtitinda sa unang palapag ng gusali ng Thomson Two corridor.
Kung minsan ay makikita ang matanda na nakaupo sa kanyang stall at minsan naman ay tulak-tulak nito ang isang mabigat na trolley. Ayon sa nagbahagi ng istorya ni Lola sa social media, ang matanda ay nahihirapan ng makarinig at makakalimutin na ito kung saan may mga pagkakataon na hindi na nito natatandaan ang kanyang customer na binibilhan siya ng pagkain at inumin. 

Gayunpaman ay nagiging masaya si Lola sa tuwing mayroong mga customer na lumalapit sakanya.


Ang nagbahagi ng sitwasyon ng matanda ay humihingi ng suporta na tulungan ito upang magkaroon ng sapat na pera para sa pangkain nito araw-araw.
Matapos ibahagi nito ang istorya ay marami ang tumugon dito na netizen at sinabi na nasa maayos na ang kalagayan ng matanda.
Tunay ngang kahanga-hanga ang pagsusumikap ng matanda ngunit sobrang nakakalungkot din na sobrang itong nahihirapan sa kanyang ginagawa dahil sa kanyang sitwasyon. Mabuti na lamang ay meron pa rin mga tao sa paligid na handang tumulong sa iba na walang hinihinging kapalit.

Kaya kung kayo ay may makikita na ganito ay wag mag atubiling tumulong at iabot ang inyong mga kamay. Kung minsan ang inaakala natin na maliit na tulong ay sobra sobra na pala para sakanila.

-

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda