Aktres na si Alice Dixson, Hindi Nawawalan ng Pag-asa na Magkakaroon Din Siya ng Kaniyang Sariling Anak




Hanggang ngayon ay matunog pa rin ang pangalan ni Alice Dixson kahit na ilang dekada na rin ang lumipas bago siya nakilala ng publiko bilang artista. Una siyang sumabak sa mga pageant bago pa man napasali sa mga pelikuka at nagkaroon nga ng titulong 'Binibining Pilpinas International 1986.


Sa paglipas ng panahon ay kapansin-pansing hindi pa rin kumukupas ang ganda ng aktres at patuloy pang nagiging dalubhasa sa talento nito sa pag-arte kaya naman hindi nakakapagtakang tumatak ang kaniyang pangalan sa isipan ng mga tao.

Sa kabila ng kaniyang mga tagumpay na tinatamasa ay aminado ang aktres na mayroon pa rin siyang ninanais na makamit at ito ay ang pagkakaroon nila ng kaniyang boyfriend ng sariling anak. Positibo ang pananaw ni Alice sa bagay na ito at hindi siya nawawalan ng pag-asa kahit na siya ay kasalukuyang 50-taong gulang na.




"Well my personal journey is super personal, pero sige I will share it. We are still in the process of surrogacy. My partner and I, oo. So I have not given up on that. I think this is our last year to try," pagbabahagi ng aktres sa isang panayam sa kaniya ng ANC sa pamamagitan ng host na si Karen Davila.


Surrogacy ang nakikita nilang mabisang paraan hindi para panatilihin ang gandang pisikal ng katawan ng aktres kundi para na rin sa kaligtasan niya at ng kaniyang magiging anak lalo na at may edad na siya. Nasubukan na rin daw nila ng kaniyang kasintahan ang normal na paraan ng pagdadalantao ngunit hindi ito naging epektibo kaya naman sa huli ay nagdesisyon silang sumailalim sa proseso ng tinatawag na 'gestational surrogacy.


"Sa akin it was never about the way I would look after. It was about my age and my concern about the safety of the child, the wellness of the pregnancy.I've tried previously and it didn't work out. So parang my partner and I decided, 'okay let's try surrogacy," dagdag pa ng aktres.

Sa ganitong paraan ay maghahanap sina Alice ng isang babae para siyang magdadalanto para sa kaniya ngunit ang mga similya ay manggagaling parin sa kanila ng kaniyang boyfriend.



Samantala, bago matapos ang interview ay naitanong rin ni Karen kung mayroon bang balak ang aktres na magpakasal sa kasintahan, at narito ang kaniyang naging sagot.

" I think we are focusing dito muna kay baby. And then if the need arises, who knows."

Si Alice Dixson ay muling nagkaroon ng pelikula na pinamagatang "Nuuk" at kasama niya dito ang batikang aktor na si Aga Muhlach. Mapapanood ito sa mga sinehan simula noong nakaraang linggo November 6.

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!